Episode 2: His Ugly Personal Assistant

2291 Words
Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ni Sir Atlas at sobrang kinakabahan ako. Sino ba kasing hindi? Sa ginawa ko sa kanya kahapon, parang natatakot na akong harapin siya. Baka prank lang ang lahat ng ito? I knocked on the door and bit my lip. “Come in,” I heard his deep voice say and I went inside at napatingin siya sa akin. I am wearing a black pencil skirt and a white long-sleeved blouse. “You’re back,” He said. “Good morning Sir, t-tungkol kahapon, pasensya ka na po talaga.” Sabi ko sa kanya. “No, you should be thankful na ginawa mo iyong kahapon.” He said at tinignan ko siya ng may pagtataka. Ano ba ang sinasabi neto? Nababaliw na ba siya? Hindi ko siya ma gets eh. Okay, lang sa kanya na pinagsisigawan? “You see, Miss Dela Vega, I am looking for someone na hindi PEST,” He said with a smirk. “You know, iyong hindi dikit ng dikit sa akin. Every girl has a crush on me and gets obsessed with me.” Sabi niya. Luh! Ang hangin! “Kaya, you are a perfect girl and I know I could trust you.” He said and glanced at my body. “You are ugly and not my type.” He said at nakayukom ang mga kamao ko ngayon pero pinipigilan ko lang. Gusto ko siyang sapakin dahil sa bastos niyang bibig. “Right now, I want you to go home and pack your things dahil dito kana titira.” Sabi niya and my eyes widened. Huh? Dito ako titira? Sa opisina? “Dito sa opisina po?” Tanong ko and he chuckled. “Don’t underestimate my office,” He said and stood up. “Sumunod ka.” Sabi niya at sumunod ako sa kanya and he clicked something sa maliit niyang bookstand at biglang bumukas ang pader and I gasped in shock nang makita ko ang isang malaking silid. There’s a bed, a kitchen at may iba’t ibang pinto na naka attach sa pader. You can see the view of the city lights sa ibaba and it is so beautiful. “This is my room.” Sabi niya. “And this is yours,” He added and clicked a button na naka attach sa pader at bumukas ulit ang isang pinto and I saw a room, similar to this room pero mas maliit. Overall, napakaganda! Ito na ba magiging buhay ko? Parang ang sarap naman mamuhay ng ganito! “Talaga po? Ang ganda naman!” I exclaimed and I realized na napa lakas ata ang boses ko. I heard him chuckle. “Yes, now go pack your things, ugly duckling. We will discuss your salary and the things that you will do later, ” Sabi niya and I nodded my head. Wala na akong pake kung anong tinatawag niya sa akin, basta go na go na ako sa trabaho ko. Umuwi ako sa bahay ng may ngiti sa mukha. Maipapagamot ko na si Mama, nakakalungkot rin kasi hindi ako makakabantay sa kanya pero nandito naman si Diamond, kahit maarte iyon, hindi naman niya pababayaan ang ina namin. “Ella, bakit ang aga mong bumalik?” Tanong ni Mama at napatingin si Diamond sa akin. “Doon daw muna ako titira ma, PA niya kasi ako at sigurado ako na may mga araw na hindi ako makatulog dahil sa tambak na trabaho.” Sabi ko sa kanya. “Kailangan ba talaga?” Malungkot na tanong niya at niyakap ko naman siya. “Huwag kang mag alala ma, bibisita naman ako kapag may oras ako.” Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. “Diamond, bantayan mo si Mama.” Sabi ko sa kanya and she nodded her head. “Swerte mo naman, ako na lang diyan sa trabaho mo.” Sabi niya and mama scolded her. Nagsimula na akong mag impake at pagkatapos kong mag imapake, nagpaalam na ako nila mama at bumalik na ako sa Kompanya at para akong tanga habang naglalakad dala ang maleta ko doon. Nakatingin ang mga tao sa akin. “Siya raw ang bagong PA ni Sir, ang swerte.” “Bakit ang chaka ng kinuha ni Sir? Ako na lang sana.” “Oo nga, ang chaka, hindi naman siguro niya type iyan.” I sigh at hindi pinakinggan ang mga sinabi nila. Puro chismis rin pala rito sa opisina, parang walang mga trabaho eh. Nakakainis. Hindi ko sila pinansin and I went to Sir Atlas’ office and knocked. “Come in,” I heard him say at pumasok ako dala ang maleta ko. He glanced at me and to my things. “Ilagay mo na iyan sa kwarto mo, alam mo naman siguro paano buksan ang mga pinto?” He asked and I nodded my head. “Yes po, Sir.” Sabi ko. “Go, bumalik ka kaagad.” Sabi niya and I nodded my head at pumunta sa kwarto ko. I was really careful in touching things baka may mabasag ako. I went back sa opisina ni Sir Atlas. “Sit,” Sabi niya and I nodded my head at umupo. “Your work is to schedule my appointments, set reminders, and provide information pero hindi lang iyan. You will also be my personal maid. Ikaw maglalaba ng mga damit ko, ikaw magluluto ng pagkain ko at ikaw gagawa ng coffee ko.” He said at nagulat ako sa sinabi niya. Grabe naman, double job pala ito. “BUT,” He said. “Your monthly income is 60,000 pesos.” He said and my eyes widened. Wow! 60.000? Ang laki na nun! Akala ko kasi 15k-30k lang ang sweldo ng PA, he doubled it, siguro dahil doble rin ang trabaho ko. Hindi na ako magpatumpit tumpit pa, boom karakaraka. “Okay, Sir.” Sabi ko sa kanya. “Good, now you can start. Receive some calls and list down my meetings and appointments.” Sabi niya and I nodded my head. “Yes, Sir.” Sabi ko at sinumulan ang trabaho ko. Being a PA is a dream job for me, organizing things are my favorite and I love talking to people and entertaining them kaya madali lang sa akin ang trabaho na ito kahit nakakapagod. Oras oras may tumatawag and I kept sending messages and emails sa mga tao. NIlista ko ang mga appointments ni Sir, may tatlong meeting siya today at kailangan ko rin daw sumama sa kanya sa mga meeting para ilista ang mga kailangan at mga pinag usapan nila. After a few hours of wandering around, getting some papers, and listing down things, natapos na rin ang mga meeting ni Sir and he looks tired. “Umm, Sir, ipagluluto ko na po kayo ng hapunan.” Sabi ko sa kanya and he nodded his head and put his jacket on his bed at humiga. Napatingin ako sa kagwapuhan niya habang nakapikit ang kanyang mga mata. I glance at his lower body at nagulat ako nang makita ko na may malaki sa private are niya kaya agad akong pumunta sa kusina and shook my head. Naku! Hindi ko dapat nakita iyon! I blushed at sinimulan ang pagluto. Pwede ba akong pumunta sa Mars ngayon? Nang matapos na akong magluto, hinanda ko na ang pagkain sa mesa. Hindi ko alam kung pati ba ako kakain, baka kasi siya lang dapat. Bibili na lang siguro ako sa labas ngayon. “Sir, luto na po ang pagkain.” Sabi ko. Nagluto ako ng karne para sa kanya. I heard him groan at dahan dahan na tumayo. Pumunta siya palapit sa akin at tinignan ang niluto ko. “You’re good at cooking too?” Tanong niya and I nodded my head. “Syempre naman sir, ako pa.” Sabi ko and he chuckled at umupo na siya at nagsimulang kumain. “Bibili muna ako sa labas, Sir.” Sabi ko sa kanya and he glanced up. “Anong bibilhin mo?” Tanong niya sa akin. “Pagkain po,” Sabi ko at umiling naman ito. “Kumain kana.” Sabi niya at nagdalawang isip naman ako. Mabait naman pala ang taong ito? Babaero lang siya pero may respeto naman siyang natitira sa katawan niya. Tumango na lang ako dahil tinatamad na rin akong pumunta pa sa baba, nasa last floor kaya kami tapos pupunta pa ako sa baba. Hindi naman nakakatakot dahil may ibang empleyadong, nagtatrabaho pa sa gabi. “Salamat po, Sir.” Sabi ko sa kanya and he nodded his head. Kumuha na ako ng plato at kutsara at kumain. I decided na magsalita para hindi maging awkward. “Ahh sir, bakit nga po kayo nakatira rito? Mayaman ka naman po, sigurado ako na kaya mong bumili ng bahay.” Sabi ko sa kanya at napahinto naman siya. “Gusto ko lang, tinatamad akong pumunta parati rito sa kompanya kaya mas mabuti na dito na lang ako.” Sabi niya. “Hindi ka ba nalulungkot, ikaw lang mag isa?” Tanong ko sa kanya. “Bakit naman ako malulungkot? Nasa akin na ang lahat,” Sabi niya. Luh, sino ka diyan? Pahingi nga ng electric fan. Pero tama nga naman, nasa kanya na ang lahat, gwapo, lapitin ng babae tapos sobrang yaman pa. Buti na lang, wala siyang babae ngayong gabi dahil hindi ko kakayanin. Pinapapapunta ba niya rito ang mga babae niya? Sana hindi. I wonder where his family is? Mukhang mag isa lang talaga siya, wala rin naman akong narinig tungkol sa ina at ama niya. Hindi ko naman pwedeng itanong iyan kasi sobrang personal na ata. I should mind my own business baka ako pa mawalan ng trabaho sa kadaldal ko. “Tama nga sir, na sayo na talaga ang lahat!” I said and he chuckled. “Yes. Are you in love with me?” He asked randomly at napanganga naman ako. Anak ng aswang ito. “Grabe ka naman sir, hindi naman basta basta na i-in love ang isang tao noh! Nabubuo iyon.” Sabi ko sa kanya. “Really? How do you know?” Tanong niya. Teka, mukhang wala talaga siyang alam sa pagmamahal. Nagbibiro ba siya? “Kasi nagmahal rin ako noon.” Sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa kinain ko. Nagmahal talaga ako noon pero nasaktan lang ako. College ako nong nakilala ko si Tristan, at naging boyfriend ko siya. Gwapo siya kaya hindi ko akalain na maging kami but then I caught him cheating at sobrang sakit nun, binigay ko kasi lahat sa kanya. Akala ko mahal ako ni Tristan pero hindi pala. Niloko niya lang ako. I even give my virginity to him. That was one of the most painful things that happened in my life, the first was iyong namatay si Papa. “You?” He asked and I nodded my head. “Grabe ha, porket hindi pasok sa standard mo, hindi na pwedeng maka experience ng pagmamahal?” Tanong niya and I immediately covered my mouth with my hand and I heard him laugh. “So, what happened?” Tanong niya sa akin. “Personal na iyon, Sir.” Sabi ko sa kanya. “Tsskk. Tell me, I am commanding you.” He said and I sigh. “Niloko ako, nakita ko nakipag s*x sa ibang babae.” Sabi ko sa kanya at tumayo ako at kinuha ang mga plato namin dahil tapos na rin naman kaming kumain. “Maghuhugas muna ako neto, Sir.” Sabi ko sa kanya and put the dishes on the sink. “Did it hurt a lot?” Tanong niya. Bakit ba tanong ng tanong siya sa love life ko? “Syempre, mahal ko iyon eh.” Sabi ko sa kanya. “Hmmm.. How does love feel?” Tanong ko sa kanya. “Sa totoo lang, iyong nararamdaman ko sa kanya, gusto ko parati ko siyang makasama tapos selosa rin ako at tsaka pinaparamdam ko sa kanya parati na mahal ko siya.” Sabi ko sa kanya. “That sound kind of sucks,” Sabi niya. “Hindi mo siguro magagawa iyan sa isang babae, Sir.” Sabi ko sa kanya. “You’re right, but there’s someone actually.” Sabi niya sa akin at napatingin ako sa kanya. “Nevermind,” Sabi niya at humiga sa kama niya. I sigh and shake my head. Sino kaya? May gusto siyang babae? Na curious tuloy ako kung sino. Impossible naman kasi na magkagusto siya sa isang babae, parang hindi kapani paniwala talaga eh. Nang matapos na akong maghugas, I organized all his things sa mesa niya dahil nakakalat ito. Pagkatapos kong maglinis, lumapit ako sa kanya. “Sir, pwede na ba akong pumunta sa kwarto ko?” Tanong ko sa kanya and he nodded his head. “No need to tell me, basta kung matapos kana sa mga gawain mo, you can freely go to your room.” Sabi niya and I nodded my head. “Salamat, Sir.” Sabi ko at pumunta sa kwarto ko. I smiled at agad na humiga sa napakalambot na kami. I bounced on the bed dahil sa taglay nitong lambot. I yelped happily and then my smile fell. Kailangan kong mangutang ni Sir Atlas ng pera para sa gamot ni Mama. Hindi ko alam kung papayag siya, ipapabawas ko naman sa sweldo ko eh. Bukas, kakausapin ko si Sir tungkol rito. Nahihiya ako pero kailangan talaga, kakapalan ko na lang ang mukha ko. I closed my eyes at pinatay ang lamp sa gilid ko. Maliligo sana ako kaso tinatamad ako at tsaka ang banyo ay nandoon naka attach sa kwarto ni sir kaya bukas na lang ako maliligo. I glanced at my phone and I dozed off after a few minutes. Tomorrow is gonna be a long day. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD