-------- ***Myla’s POV*** - “Evan, come here!” tawag ko sa dalawang taon gulang kong anak. Napalingon ito sa akin at mabilis na lumapit sa akin. Hawak- hawak nito ang toy car nito. Evander—ito ang ipinangalan ko sa aking anak na may kahulugan good and strong man. Hindi din masyadong malayo sa pangalan ng ama nito. Ang lalaking minahal ko noon pero kinamumuhian ko na. Pero dahil kay Evander, wala na sa plano kong gantihan pa ito. Masaya na ako sa buhay ko kaya wala nang rason para gaganti pa ako, wag lang magkasalubong muli ang landas naming dalawa at wag nyang bwesetin muli ang buhay ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa may swing na nasa munting playground ng tahanan namin dito sa California. Sasalubungin ko ang anak ko pero bigla itong nadapa at agad na napaiyak. Bago pa man ako na