------- ***Myla’s POV*** - Ang mainit na panahon ang sumalubong sa akin sa paglabas ko sa airport. Alam ko na medyo maninibago ako nito. Nasa malamig kasi kami na bahagi sa California, nasa mountain area kami kaya malamig talaga kahit na sa summer. Mabilis ngang ipinasok ni Mang Marlon si Evan sa loob ng kotse, nag- iiyak kasi ito, naiirita agad sa napakainit na panahon. Sanay kasi sa lamig ang anak ko kaya naninibago ito sa pagdating namin dito sa Pilipinas. “Anong pumapasok sa isip mo?” tanong ni Gabriel sa akin, inilagay nya at ng driver ang mga bagahe naming sa compartment ng kotse. “Wala.” Napailing ako, pero nagsisinunggaling talaga ako. Ang dami ko talagang iniisip. Ngayon na nandito na ako, nakaramdam ako ng bahagyang takot. Paano kung gusto pa rin akong patayin ng taong gu