------------ ***Third Person’s POV*** - Tumatakbo si Myla habang walang tigil sa pag- agos ang luha n’ya. Matapang s’ya. Hindi s’ya nagpapaapi. Hindi s’ya nagpapadala sa mga pang- iinsultong natatanggap n’ya. Pero wala s’yang ibang nagawa ngayon kundi ang tumakbo, lisanin ang lugar habang walang tigil sa pagtulo ang luha n’ya. Ang mapanghusgang mga mata na nakatingin sa kanya ay s’yang dahilan kaya napanghinaan s’ya ng loob. Nahihiya s’ya sa mga pinagsasabi ni Alodia pero mas lalo s’yang napahiya sa sinabi ni Erickson. Bawat litra ng mga salitang binitawan ni Erickson ay parang isang matulis na tinik na itinusok sa puso n’ya. Napakasakit at paulit- ulit ang sakit. Isang masama at maruming babae ang tingin ni Erickson sa kanya kahit pa sa katotohanan na ito ang tanging lalaki sa buha