Elizabeth "May 500 ka ba diyan?" palabas na kami ng office ni Hermes at naalala ko si Manong. Hindi ko pa nga pala nababayaran yung utang ko. Hindi na ako nahiya pa na tanungin ito dahil babayaran ko naman ito pag-uwi namin sa bahay. Hindi man lang sumagot si Hermes kundi dinukot kaagad nito ang wallet tsaka ibinigay sakin ang one thousand pesos. "Aanhin mo yung five hundred?" tanong naman niya pagkatapos maibigay sakin ang one thousand. "Babayaran ko kasi si Manong. Napadaan kasi kami sa stall ng mga prutas kanina at napabili ako ng pinya pero naiwan ko pala yung wallet ko. Babayaran ko na lang 'to pag-uwi sa bahay. P-pasensya na." "You don't have to pay." kaagad naman na sabi niya. Napansin kong may dinukot pa siya sa kaniyang wallet. "Here." Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya