Elizabeth Nagmadali na lamang akong lumabas sa kwarto ng mag-ama dahil bigla akong nahiya sa sinabi ng masungit kong amo. Bakat na bakat na kasi ang bra ko at ang cleavage ko naman ay humuhulma na sa basang damit ko. Nakakahiya! Naligo na lamang ako ng tuluyan kahit pa gabi na. Habang nakahiga sa kama ay hindi maalis sa isip ko kung paano tumitig sa akin ang amo ko. Kakaiba ang mga titig niya. Para bang may ibang meaning. Galit siya sakin kaya ganoon. Huwag ka ng mag-ilusyon, Ineng. Napakalayo mo sa mga babaeng type niya. Ang mga gusto niyang babae malamang sopistikada, mayaman din katulad niya at super sexy. Ako kasi fifty percent sexy lang. Maganda rin naman ako at may panlaban din. Kailangan nga lang ng maraming paligo para makasabay ako sa mga babaeng nakatira sa syudad. Ha