Third Person's POV "Anong nangyari, Manong Elso? Bakit nakahandusay kayo sa semento kanina?" galit na tanong ni Hermes sa kaniyang guard na ngayon lang nagkaroon ng malay. "Meron po kasi naghahanap kay Ma'am Elizabeth Sir. Mga kaibigan raw po ng asawa niyo. Tumatawag ako rito ngunit walang sumasagot sa telepono kaya hindi ko kaagad sila pinapasok. Ngunit nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking ulo. Doon nandilim ang paningin ko. Pinukpok na pala nila ang ulo ko." "I can't believe na magagawa ni Elizabeth sakin 'to. Nilimas niya lahat ng pera sa vault at iniwan niya rin ang anak namin. Pinagpalit niya ang anak namin sa lintik na pera. Kung gusto niya ng pera bakit hindi na lang niya sinabi sakin. Handa naman akong ibigay sa kaniya ang lahat!" "P-pero...Sir...paano kung n