Third Person's POV "Gusto kong alamin mo kung saan nakatira ang asawa ko, Lita." "Bakit ako, Sir? Hindi naman ho ako imbestigador. Inaamin ko naman ho na marites ako paminsan-minsan. Nakakasagap ng balita pero sa mga kalokohan lang naman ho 'yon Sir." Kaagad sinamaan ni Hermes ng tingin si Lita. "Aalamin mo lang naman kung saan nakatira ang Ineng na sinasabi mo." "Kapag nalaman ko ho ba, Sir? Matutuloy na ho ba ako, bukas? Makakauwi na ho ba ako?" "Kung makakahanap ka ng kapalit." Tinalikuran ito ni Hermes. Halos nakalimutan niya ng nakatapis lang pala siya ng towel. Nagmadali kasi siyang lumabas ng kwarto para habulin si Elizabeth ngunit hindi niya na ito naabutan. Napakamot na lamang sa ulo si Lita. Palabas na ng kusina si Hermes ng makasalubong niya ang isa sa mga tauhan