----------- Third Person's Pov Sinalubong kaagad sila Hermes ng mga staff ng hospital. Dala ang bed stretcher. Isinakay roon si Elizabeth na namimilipit naman sa sakit. "Halika dito!" sigaw ni Elizabeth ng medyo napalayo siya kay Hermes. Hinihila na rin siya papasok sa loob ng hospital. Nataranta naman na lumapit sa kaniya si Hermes. Namumutla ang labi nito at halatang kinakabahan ng sobra. Pakiramdam niya, mas kinakabahan pa ito kaysa sa kaniya. "Samahan mo 'ko sa loob! Hindi mo 'ko puwedeng iwan! Ikaw gumawa nito kaya dapat lang nandoon ka sa paghihirap ko!" halos mapugto na ang ugat ni Elizabeth habang sinisigawan si Hermes. "Hindi ako puwede sa loob, Elizabeth." mahinahon ngunit may kaba sa boses ni Hermes. "Puwede ka! Nagdadahilan ka pa! Kapag hindi mo 'ko sinamahan sa loo