Elizabeth "Nauna ako." sabi sakin ng babaeng puno ng kolorete ang mukha. Nasa pinakadulo ako. Nakapila rin kasi ako para sa pag-aapply bilang yaya ni baby Aliyaah. Mukhang malabo na yata na umabot pa sakin ngayong napakarami ang nag-aapply. Doon pa lang sa unahan baka may napili na. Naglakad na lamang ako para pumasok na ng tuluyan sa loob ng hacienda. "Miss! Miss! Miss kulot!" natigilan ako dahil narinig ko ang kulot. Alam kong kulot ako pero hindi lang naman ako ang kulot dito. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses ay hindi nga ako nagkamali dahil sakin siya nakatingin at ako talaga ang tinatawag niya. "Ako ba ang tinatawag mo?" "Oo, ikaw." "Bakit? "Nasa dulo ka 'diba? Bumalik ka sa pwesto mo. Kanina pa kami nakapila rito tapos ikaw pupunta ka lang diyan sa unahan?" "Pa