Elizabeth "Hermes, saan mo ba 'ko dadalhin?" reklamo ko habang kinakaladkad pa rin niya ako papasok sa loob hanggang sa umakyat kami sa hagdanan. Hawak niya pa din ang braso ko. "Hermes!" kinakabahan ako sa klase ng kaniyang mga tingin at sa klase ng pagkakahawak niya sa aking braso. Naka-bra at panty pa rin ako habang hawak ko naman ang aking mga saplot na hinubad kanina. Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Muntikan pa nga akong matapisod ngunit patuloy pa rin ito hanggang sa huminto ito. Pintuan na ngayon ang katapat namin. Binuksan niya ito at kaagad niya akong itinulak papasok sa loob. Mas lalo akong kinabahan ng pabalang niyang sinarado ang pinto. Hinawakan niya lang ulit ang braso ko at muling kinaladkad kung saang sulok ng silid. Sa isang banyo niya ako