"That's the only way I know to calm you down." malumanay nitong sabi sa akin pagkatapos niya akong halikan na para bang wala ng bukas. Habol hininga naman ako ng pakawalan niya ang labi ko. "Bakit mo ba kasi ako palaging hinahalikan? Bakit hindi na lang si Ms. Cruz ang halikan mo?" inis na sabi ko sa kaniya. Napapanguso na lamang ako sa inis. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. May nasabi ba ako para ngumiti siya ng ganiyan? "Bakit ka ngumingiti ng ganiyan?" "Mas lalo ka palang gumaganda kapag nagsusungit ka." Napayuko na lamang ako ng sabihin niya iyon. Parang nag-init ang aking mga pisngi. Pakiramdam ko namumula ito. "Gusto ko ng magpahinga. Nandito ka na rin naman." nakangusong sabi ko sa kaniya. Hindi pa rin napapawi ang mga ngiti niya sa labi