Elizabeth "Anong balak mo ngayon?" Sa lalim ng iniisip ko. Maging ang simpleng boses ni Katie ay ikinagulat ko pa. Kumakain kami ngayon ng umagahan. Papasok na rin si Katie sa hotel kaya maiiwan ako dito mag-isa. Hindi ako puwedeng magtagal dito sa unit ni Katie. Para na kasi kaming sardinas na pinagkakasya sa lata ang mga katawan este sa kama. Halos hindi rin ako nakatulog kagabi. Ang lakas humilik ni Katie, dagdag pa ang kalikutan nito matulog. Bumaba na lamang ako sa kama at sa sahig natulog. Nagulat pa nga si Katie ng makita akong nasa sahig na natutulog. "Hoy! Anong balak mo ngayon?" "Hindi ko pa alam, Katie. Kailangan ko munang maghanap ng trabaho para magkaroon ng pera at makahanap ng malilipatang bahay." "Hindi naman kita pinapaalis ah?" "Hindi nga, pero nahihiya rin a