“I’m sorry, Ms. Kim, but your baby didn’t make it,” the doctor says.
He keeps on speaking in front of me after that, pero wala na akong naiintindihan o naririnig man lang. Hindi ko na kaya pang makinig sa kahit anong sasabihin niya. Everything he blabbers in front of me is a complete nonsense.
There’s no way that my baby didn’t make it. I can still feel her inside my tummy. Gumagalaw pa rin siya at sumisipa sa loob kaya imposible ang sinasabi ng doktor na ‘to. Hanggang sa makalabas siya ng kwarto ay hindi ko na halos napansin pa. My attention is focused on my tummy, nothing else.
“Don’t worry, baby,” mahina kong bulong sa tiyan ko. “Everything will be okay. Everything will be just fine. Hindi hahayaan ni mommy na malagay ka sa panganib. I will protect you from everyone else.”
Humiga ako sa hospital bed at bumaluktot. Niyakap ko ang tuhod ko habang patuloy sa pagtulo ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na rin napigilan pa ang mapahagulgol nang hawakan kong muli ang tiyan ko.
The doctor isn’t kidding when he said that my baby is gone. Kahit anong kapa ang gawin ko ay hindi ko na talaga siya maramdaman. I tried imagining her moving inside me, but she’s no longer here. She’s not here anymore. Wala na akong karamay. There’s no one beside me anymore. Miski ang anak ko ay iniwan na rin ako.
Mag-isa na lang ako.
Days passed, I am still staring in space. Walang dumating na bisita para tingnan ang kalagayan ko dahil wala naman ang may alam. More like, wala akong pinagsabihan tungkol sa kondisyon ko. Walang may alam na nagdadalang-tao ako kaya walang makaaalam na nakunan ako.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, but I’m definitely not happy. I’m grieving. Ni hindi ko man lang nahawakan ang baby ko. Ni hindi ko siya nahagkan at nakita man lang. Para bang ang laking parte sa ‘kin ang dinala niya sa kabilang-buhay nang mawala siya. At alam ko sa sarili kong hindi na ako magiging buo pa ulit.
That’s why as I stare at the starry night sky, it feels like everything is going to be okay again. Nang tumapak ako sa railings dito sa rooftop ng hospital upang wakasan ang buhay ko, I feel at ease. Because finally, the pain I’m feeling will disappear. Sa wakas, hindi ko na ulit mararamdaman ang paulit-ulit na pagkawasak ng dibdib ko na para bang gusto ko na lang pumikit at huwag nang dumilat habang-buhay.
At habang nakatingala sa kalangitan, bumulong ako, “Magkakasama na tayo ulit, Anak. Hindi hahayaan ni mommy na maramdaman mong nag-iisa ka na lang. Hinding-hindi ‘yon hahayaan ni mommy.”
I take another step towards the edge.
Then, another.
But a voice from behind stopped me. “Corinne, stop. Don’t do it, please.”
Nilingon ko siya gamit lang ang ulo ko at ngumiti. “It’s too late, Lev. Wala nang makapipigil sa ‘kin. Not even you.”
“Listen to me, Corinne. Everything will be okay. Hindi naman natin kailangang humantong sa ganito. Hindi mo kailangang gawin ‘to sa sarili mo.”
Pinunasan ko ang pisngi ko na kanina pa basang-basa ng luha. “Nawalan ako ng anak, Lev. Hindi ko na alam kung paano pa magpapatuloy magmula rito.”
“Let me help you, Corinne. Please, just let me help you. Hindi pa huli ang lahat. Hindi ka pa nag-iisa. I’m still here. Don’t you remember? I promise to be by your side forever. And I am going to keep my promise until the end.”
Napangiti ako sa kaniya. “Alam ko, Lev. At sobrang thankful ako na naging magkaibigan tayong dalawa. Na-appreciate kong lagi kang nasa tabi ko para protektahan ako, gabayan ako. Pero hindi mo maiintindihan ang pakiramdam nang mawalan ng isang anak.”
“Then, make me understand, Rin. Help me understand.” May isang butil ng luha ang pumatak sa kaniyang mata.
Hindi ko maiwasang hindi mapakagat sa labi ko hanggang sa magkasugat ito. I’ve never seen my best friend cry before. Matatag siyang lalaki. Hindi siya umiiyak basta-basta. Pero ngayon ay umiiyak siya habang nagmamakaawa sa ‘kin na huwag kitilin ang buhay ko.
“Rin,” ani niya, “ikaw na lang din ang mayroon ako. Hindi ko kayang pati ikaw ay mawala sa ‘kin. Kaya please, don’t do it. Let me help you.”
Tuluyan na akong napahagulgol dahil sa sinabi niya. We’ve been friends since we were kids. We’ve been at each other’s sides through ups and downs. Hindi ko siya kayang iwan ngayon, pero paano ang anak ko? Mag-isa lang siya ngayon.
“Rin,” tawag niya ulit sa pangalan ko. Para bang ang pagtawag na lang ang naiisip niyang paraan para mawala ang atensyon ko sa dapat ay gagawin ko kanina pa. “If I know one thing, kung nabubuhay man ang baby mo ngayon, alam kong mas gugustuhin niya ang magpatuloy ka. Mas gugustuhin niyang maging masaya ka para sa kaniya. I am sure of that. So, please.”
May mangilan-ngilan nang mga nars at pasyente ang nakikiusyoso sa nangyayari sa ‘min. Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba sa railings at hayaan si Lev na alalayan ako.
Mahigpit niya akong niyakap na para bang wala siyang plano na bitiwan ako anumang oras. Muli akong napahagulgol sa kaniyang dibdib, hindi alintana ang sipon at uhog ko na dumidikit na sa kaniyang damit. Nalukot ko lang ang manggas ng t-shirt niya dahil sa sobrang pagkapit ko roon. Pero wala naman siyang pakialam doon.
Hinimas niya lang ang mahaba kong buhok at inalo. Alam niyang ito lang ang kailangan ko ngayon dahil sa dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Ngunit ang akala kong sobrang sakit nang mga pangyayari sa buhay ko ay may isosobra pa pala. Hindi pa pala tapos ang pagpapasakit sa ‘kin.
Napatingin kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto sa rooftop nang marahas. May ilang mga police officer ang pumasok habang may hawak na mga baril na agad tinutok sa dereksyon namin ni Lev. Tinago niya ako sa kaniyang likuran kahit na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan habang kaharap ang mga ito.
“Corinne Kim, arestado ka sa salang pagpatay kay Gwen Nicole Tua,” ani pulis na nasa unahan nilang lahat. Pinakita pa niya sa ‘min ang isang papel na sa pagkakaalam ko ay isang Warrant of Arrest. “Sumama ka na lang sa ‘min sa presinto nang mahinahon.”
“Teka,” ani Lev, “paanong si Corinne ang inaaresto niyo kung si Gwen ang may kasalanan kung bakit nasa ospital ngayon ang kaibigan ko?”
Bago pa man makasagot ang lalaking pulis ay isang baritonong boses na ang narinig namin sa likuran nito. “It’s just right to arrest your friend, Mr. Levithicus.”
Halos mahigit ko ang hininga ko nang tuluyan ko nang makita ang kaniyang mukha. He didn’t change. He is still as handsome as I remember him. And yet he’s so serious now, and his eyes that used to stare at me lovingly changed. Sobrang sama na ng tingin niya sa ‘kin. Na kung hindi dahil sa mga pulis ay baka kanina niya pa ako hawak sa leeg at sinasakal.
“You don’t know anything, Erickson,” sambit ni Lev. “Wala kang alam. You don’t know what my best friend went through, and now this?”
“Really?” sarkastiko pa nitong tanong. “Because honestly, I don’t care. That girl you’re protecting is the girl who killed my girlfriend. And oh, she’s not just going to jail with that–“ Mas lalong tumalim ang tingin niya sa ‘kin. “–Did you know that Gwen is pregnant? Did you kill her because of that? Because you also killed an innocent life. You killed my child, and I will never forgive you.”