CHAPTER 7

2646 Words
Isang hithit ang ginawa ni Alejandro sa sigarilyong nakaipit sa kanyang mga daliri bago ibinuga ang usok niyon pataas. Nasa harapan niya ngayon sina Lemuel at Carlo, ang lalaking pinatawagan niya kay Lemuel kaninang madaling araw. Mataman niyang kausap ang mga ito at kasalukuyan silang nasa hardin ng bahay niya, kung hardin man nga na matatawag iyon. Ni walang halamang naroon maliban sa ilang damong tumubo na roon dahil sa kulang ng pagmamantini. Mas pinili niyang doon harapin ang dalawang lalaki upang hindi marinig ni Brianna ang kung ano man ang pag-uusapan nilang tatlo. Pero duda pa siya kung bababa man ang dalaga mula sa silid nito. Kanina nang silipin niya ito ay payapa pa itong natutulog sa ibabaw ng kama. It was already ten in the morning. At ilang oras na ring tulog si Brianna matapos nitong magtangkang tumakas kanina. Alam niya na hindi nito matatagalan ang puyat at pagod na dinanas nila sa magdamag dahil sa mga nangyari kagabi. And she already looked vulnerable a while ago as she tried to escape from him. Pilit lang nitong pinapatatag ang sarili pero alam niya na ano mang oras ay bibigay din ito at makakatulog. And it was already hours since she slept. Alejandro just let her. Siya man din ay nakatulog na. Ilang oras lang iyon at agad din naman siyang nagising dahil nakatakdang pumunta sa bahay niya si Carlo upang makausap niya nang personal. Matapos nga makapag-almusal, na sadyang inihanda pa ni Lemuel, ay naligo na si Alejandro at hinintay ang pagdating ni Carlo. Carlo was their employee at their real estate company. Loyal ito sa kanyang ama at alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito. Katunayan ay tatlo lang talaga ang maaasahan niya sa lahat ng taong mayroon ang kanyang ama at kanilang organisasyon--- si Lemuel, si Carlo at si Arthur, na kung buhay pa matapos ng nangyari sa kanilang yate ay hindi niya alam. And last night, he instructed Lemuel to call Carlo and meet him. Ito lang ang magiging susi niya para makibalita sa kung ano ang nangyayari ngayon sa kanilang kompanya. "What do you mean by that, Carlo?" mapanganib niyang sabi dito. Naningkit din ang kanyang mga mata dahil sa mga sinabi ng kanyang kaharap. "Hindi na ho nagpasagawa ng search and rescue operations sina Sir Konstantin at Sir Dimitri, boss," magalang na pag-ulit nito sa mga sinabi kanina. "Sir Dimitri fixed everything. Binayaran niya ang dapat bayaran. Ginawan niya rin ng paraan upang hindi na pag-usapan pa ang nangyari." His jaws hardened because of what he heard. Being the boss and the one who was managing their mafia clan, it was also his concern not to expose their organization to the public. Kung siya lang din ang masusunod ay gagawin niya rin ang ginawa ng kanyang tiyuhin. Definitely ay gagawan niya ng paraan para hindi na malagay pa sa balita ang nangyari sa kanilang yate. Kapag nagkataon kasi ay baka malantad din sa madla ang sindikatong kinabibilangan niya, maging ang illegal na pagbebenta nila ng mga babae. It was a smart move from his uncle, actually. Kung siya ang naroon ay baka ganoon din ang gawin niya But Alejandro knew better. Alam niya na maliban sa iniingatan ng kanyang tiyuhin na huwag mabulgar ang kanilang organisasyon ay may maitim din itong balak. Dimitri did not want to look for him. Agad na nitong ipinagpalagay na patay na siya. Hindi na nito nais na subukang hanapin siya. In short, his Uncle Dimitri and Konstantin really wanted him dead. At dahil sa kaisipan na iyon ay naikuyom niya nang mahigpit ang kanyang isang kamao. Ang sigarilyong nasa kamay niya ay agad niya pang naidiin sa ashtray na nasa kaharap niyang mesa. "How my father? Has he arrived?" usisa niya pa kay Carlo. "He is expected to arrive tomorrow morning, boss," tugon nito. "Hindi ko gustong malaman ng papa na buhay ako, Carlo. Ikaw at si Lemuel lang ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa bagay na ito. Do you get it?" "Yes. Maaasahan niyo, boss." Marahas siyang tumayo saka itinuon ang kanyang pansin sa kanilang paligid. Lumilipad ang isipan niya sa kung ano ang sunod na gagawin nang muli ay marinig niya ang tinig ni Carlo. Nang lumingon siya dito ay hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-aalangan nitong ituloy ang nais sabihin. "E-Eh, boss..." anito. Maging kay Lemuel ay napapalingon pa ito. "Si Sir Konstantin po ay ang siya nang pumalit sa posisyon mo sa LRE." Ang tinutukoy nitong LRE ay ang pag-aari nilang kompanya--- ang Lebedev Real Estate Company. Mas kilala talaga ang kompanyang iyon sa bansang Russia. Doon iyon unang itinatag ng kanyang ama dahil sa isa itong purong Russian. Kasabay ng pagtayo nito ng LRE ay ang pagtatag din nito sa Lebedev Mafia Clan. Sa paraang iyon ay mas naging makapangyarihan ang kanyang ama, hindi lang sa usapin ng salapi, kung hindi maging sa koneksyon nito sa iba't ibang naglalakihang personalidad, mapa-Russia man o dito sa Pilipinas. Noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay mas nais nitong mamalagi sa bansang Pilipinas kaysa sa Russia. Iyon din ang dahilan kung bakit mas malapit siya sa kultura ng Pilipinas kaysa sa bansang pinagmulan ng kanyang ama. Idagdag pa na isang Pilipina din ang naging nanny niya hanggang sa siya ay tumuntong sa edad na kinse. Iyon pa nga ang dahilan kaya gamay niya rin ang pagsasalita ng Tagalog. And because his mother wanted to stay at the Philippines, his father decided to bring their business at the said country. Nasa tatlong taon pa lang siya nang itatag ng kanyang ama ang branch ng kanilang kompanya sa Pilipinas. Alejandro was now the one managing it. Pero ngayon ay sasabihin ni Carlo na pumalit si Konstantin sa kanyang posisyon? Marahas niyang hinarap muli ang dalawa nilang tauhan. Hindi na kataka-taka kung paano iyon nalaman ni Carlo. Carlo was directly working at LRE. Isa ito sa matatagal na rin nilang empleyado sa kanilang kompanya. Pero kumpara sa iba nilang empleyado, si Carlo ay may alam din sa mga illegal nilang gawain. Parte din ito ng kanilang Mafia Clan. Katulad ni Lemuel, si Carlo ay isa din sa kanilang associates sa Lebedev Mafia Clan. "Konstantin did not even wait for our father? Agad na niyang hinawakan ang pagiging presidente ng LRE?" he asked in disbelief. "Y-Yes, boss. Actually..." Sadyang hindi itinuloy ni Carlo ang mga sasabihin nito. Dama niya ang pagdadalawang-isip ng lalaki na ipaalam sa kanya ang kung ano man ang nalaman nito sa kanilang kompanya. And because of that, Alejandro can't help but to feel irritated. "I want to know everything, Carlo! What do you want to say?" "Sir Konstantin rejected the project that you have started, boss Ale," imporma nito sa kanya. "He told the team to stop operating." "Fvck him!" he hissed inwardly. Ang tinutukoy ni Carlo ay ang proyektong pinasimulan niya ilang buwan pa lang ang nakararaan. Malaking lupain ang nabili nila sa may Batangas na agad niyang pinasimulang patayuan ng ilang townhouses. Sa ngayon ay ongoing iyon at kapag naibenta nila ang lahat ng unit ay panigurado siyang ilang milyon din ang maipapasok niya sa kanilang kompanya. It was a big project. At kung bakit iyon ipinahinto ni Konstantin ay hindi niya alam. "Did he even tell why he did that? Bakit niya pinahinto ang proyekto?" "I don't know the exact reason, sir. But he decided to start a new project... his own project." Alejandro smirked sarcastically. "Hindi pa man ako natatagalang "nawala" ay nagpasimula na siya agad ng pagbabago sa kompanya? Didn't he even mourn that I "died"?" Kapwa hindi nakapagsalita ang dalawang lalaking kaharap niya. Alam na alam ng mga ito kung paano siya magalit. And right now, he knew very well that anger was visible on his face. Hanggang sa paglipas ng ilang saglit ay si Lemuel naman ang binalingan niya. "How about our organization? What happened?" "M-Maayos ho ang lahat, sir. Like what Carlo said, nagawan ng paraan ni Sir Dimitri na hindi masayang ang nangyaring auction kagabi. In fact, hawak niya ang lahat ng kita sa naganap na auction." "Including the one million that I spent?" saad niya sa magkadikit na kilay na ikinatango ni Lemuel. Lemuel knew about Brianna. Alam nitong galing sa auction ang dalaga. Nabanggit na niya iyon dito kagabi. "Planado nila ang lahat. Sadyang pinag-isipan nila ang ginawa kagabi," saad niya pa sa seryosong tinig. Hindi niya akalain na naisahan siya ng dalawa. Kagabi pa lang ay alam niyang hawak na ng kanilang organisasyon ang lahat ng kinita sa auction. It was a bank to bank transaction. Ang iba ay cheque pa ang pinapambayad. Sa oras na magkaroon na ng pinakamataas na bid para sa isang babae ay automatic na bayaran muna bago makuha ninoman ang babaeng magmumula sa kanilang organisasyon. Sa panig niya ay nag-abot siya ng isang milyon sa pamamagitan ng sarili niyang bank account. Personal na pag-aari niya at hindi yaong account na ginagamit niya para sa negosyo. Yes! What he paid to have Brianna came from his own money! ***** UNTI-UNTING IMINULAT ni Brianna ang kanyang mga mata kasabay ng marahan niyang pag-unat ng kanyang katawan. Kay gaan ngayon ng kanyang pakiramdam matapos makapagpahinga sa loob ng ilang oras. Sa pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na natuon ang kanyang paningin sa food trolley na nasa kaliwang panig ng kama. May ilang pagkain roon na agad na nakapagpakalam ng kanyang sikmura. Pagkakita sa pagkain ay waring noon niya lang naalala na kagabi pa siya walang maayos na kain. At ngayon ay halos naghuhurumentado na ang kanyang tiyan dahil sa gutom. Kaya naman marahas siyang napabangon mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang mga pagkaing nakalagay sa trolley. Mayroong kanin at dalawang uri ng ulam na hindi niya alam kung ano ang tawag. They looked expensive. At sa mga mamahaling restaurant niya lang nakikita ang ganoong mga putahe. Sa tabi ng mga pinggan ay ang ilang hiwa ng hinog na papaya, fresh juice at tubig. "It's already past twelve. Too late for breakfast so I asked Lemuel to serve you lunch instead." "Ay, jusmiyo!" gulantang niyang bulalas sabay lingon sa kanyang kanang panig. Doon ay nakita niya si Alejandro. Prente itong nakaupo sa pang-isahang sofa na katabi lamang ng vanity mirror. Sa kanang kamay nito ay isang kopita ng alak. Hindi pa iyon iniinom ng binata bagkus ay ginagalaw lamang ang kopita sa kamay nito dahilan para bahagyang maalog ang lamang inumin. Bakit hindi niya man lang namalayan ang presensiya ng binata kaninang pagkagising niya? At gaano na ba ito katagal sa loob ng silid na iyon? Kanina pa ba siya nito pinagmamasdan habang natutulog? She stared at him momentarily. Nakapagpalit na ulit ito ng damit. Sa muli ay long-sleeved polo ang suot nito na ipinares sa itim na slacks. He looked so dignified that anyone would be intimidated to talk to him. Mabilis na inubos muna ni Alejandro ang laman ng kopitang hawak nito. Maging ang paglagok nito ng alak ay nagsusumigaw ng awtoridad. Bawat kilos ng binata ay nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Nang maubos na nito ang alak ay tumayo na ito mula sa sofa. Humakbang ito patungo sa kabilang panig ng kama, sa kinaroroonan ng food trolley. Doon ay inilapag muna nito ang kopitang hawak bago siya pinagmasdan. Hindi niya pa alam kung bakit umiinom na ito sa ganoon kaagang oras. Ayon dito kanina ay pasado alas-dose na. Umiinom talaga ito ng alak sa katanghaliang tapat? "Kumain ka na, Brianna. You already skipped your breakfast, now eat your lunch," mariing utos nito bago niyuko ang mga pagkaing nasa trolley. Yes, isa iyong utos at hindi man lang isang pag-aaya. "These are borscht and stroganina, russian foods that I love to eat. I don't know if you would love them as well," dagdag pa nito. Hindi siya pamilyar sa mga pagkaing binanggit nito. Katunayan ay hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga sinabi nito. Her attention was focused on how to ask him to let her go. At kung paano niya makukuha ang loob nito para hayaan na siyang makauwi ay hindi niya pa alam. "After you eat," patuloy pa nito sa pagsasalita bago sinulyapan naman ang sofa na kanina ay kinauupuan nito. "Take a look at them. Those are all yours." Nang sinundan ni Brianna ang hinayon ng mga mata nito ay nakita niya ang ilang paper bags sa tabi lamang ng sofa. Sa tantiya niya ay nasa mahigit kinseng paper bags ang naroon na pawang lahat ay may pangalan ng isang sikat na clothing brand. "A-Ano ang mga iyan?" tanong niya pa kahit nahuhulaan na rin naman niya kung ano ang laman ng mga iyon. "Your clothes," balewalang saad nito. "Ipinabili ko kay Lemuel. Iba't ibang klase na mapagpipilian mo para isuot. And don't worry, I asked him to buy you... underwear and brassieres." Agad pa siyang pinamulahan ng kanyang mukha dahil sa uri ng titig na iginawad nito sa kanya. Hindi niya man itanong pero alam niyang alam ng binata na wala siyang suot na panloob ngayon. Maliban sa alam ni Alejandro wala namang ganoon sa cabinet nito ay nadama din iyon ng binata kaninang madaling araw nang halikan siya nito. He touched her breasts as he kissed her a while ago. For sure, he felt that she was not wearing any undies right now. At kaninang tulog niya ay pinagmasdan siya nito? Wala ba itong ginawa sa kanya? "Don't look at me as if I did something to you, Brianna. One thing that you should know about me is that I don't fvck with unconscious woman," saad nito na wari ba ay nababasa ang nasa isipan niya. Hindi siya tumugon. At dahil sa pananahimik niya ay nagsalita muli si Alejandro. "Kumain ka na, Brianna. I need to make some calls," paalam nito sabay hakbang na sana patungo sa may pintuan. "Sandali lang," mabilis niyang awat sa pag-alis ni Alejandro dahilan para mahinto ito. He turned to look at her again, didn't say anything and just waited for what she would say. Si Brianna ay sunod-sunod na napalunok at ni hindi alam kung paano sisimulan ang nais sabihin dito. At dahil sa nainip sa tagal niya magsalita ay agad na nairita si Alejandro. "Don't waste my time, Brianna. What do you want to say?" he snapped at her. She cleared her throat first before talking. "A-Ang... Ang sabi mo, kukunin mo ang k-kapalit ng isang milyong nagastos mo sa auction." Tumaas ang isang kilay nito dahil sa mga sinabi niya. But instead of answering, he just let her continued talking. "Kapag ba binigay ko na ang hinihingi mo, hahayaan mo na akong umalis?" lakas-loob niyang saad dito. That was the only way she knew for him to let her go. Tutal naman ay iyon talaga ang rason kung bakit siya nabili nito. Iyon din ang rason kung bakit nagkaroon ng pera ang Tiya Nimfa niya para sa operasyon ni Kristy. Siguro ay marapat lang na ibigay na niya dito ang gusto nito para matapos na ang lahat, kahit ang kapalit niyon ay ang pagkawala ang pinagkaiingat-ingatan niyang pagkabirhen. After that, she would be free. Susubukan niya na lang kalimutan ang kalbaryong iyon ng buhay niya pagkatapos. Alejandro went back in front of her. Waring napukaw niya pa ang atensyon nito dahil sa mga sinabi niya. "You are willing to give yourself to me? Submissively, Brianna?" Nagyuko siya ng ulo dahil sa tanong nito. Hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral ay nakakapagsalita at intindi din siya ng Ingles. At alam niya kung ano ang ibig sabihin ng tanong nito. "H-Hindi ko maipapangako," aniya sa mahinang tinig. "Pero kung... kung iyon ang magiging dahilan para pakawalan mo na ako, handa akong gawin iyon. Basta ipangako mo na pagkatapos ng isang gabi, hahayaan mo na akong makaalis." "Don't you think that one night is not enough, Brianna? Paano kung sabihin ko sa iyong hindi sapat ang isang gabi lang para sa isang milyon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD