CHAPTER 31

2215 Words

Agad na napalingon si Brianna sa direksyon ng pinto ng silid na kinaroroonan niya nang bigla ay bumukas iyon. Mula sa labas ay tuloy-tuloy na pumasok si Alejandro sa loob. Pasado alas-nueve na ng gabi at kasalukuyan na niyang inaayos ang makapal na kumot sa ibabaw ng kama upang maghanda na sa kanyang pagtulog. Mabilis niya pang nahinto ang kanyang ginagawa at dahan-dahan na napaupo na lamang sa kama habang ang kanyang mga mata ay nakasunod sa bawat galaw ng binata. Naglakad na palapit sa kanya si Alejandro matapos nitong maisara ang pinto at mai-lock ang doorknob iyon. Hindi niya pa maiwasang magtaka kung bakit kauuwi pa lamang nito mula nang umalis kaninang umaga. Matapos kasi nilang makakain ng almusal at makaalis si Mr. Nikolaev ay nagpaalam ito na aalis din. Nagtanong man siya kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD