Dire-diretsong ininum ni Konstantin ang alak na nasa kopitang hawak niya. Agad pang gumuhit ang init ng naturang inumin sa kanyang lalamunan nang inubos niya iyon hanggang sa huling patak. He put down the goblet on the table in front of him and was about to pour some more wine on it when he suddenly stopped. Bumukas ang pinto ng isang silid na nasa unit niya at lumabas mula sa loob si Kendra. Marahan ang bawat hakbang na ginagawa nito palapit sa kanya. Hindi niya pa maiwasang paglakbayin ang kanyang paningin sa kabuuan ng dalaga habang naglalakad ito palapit sa kinatatayuan niya. She was just wearing a white dress with thin straps. Nakatali pataas ang mahaba nitong buhok at wala ni ano mang make-up sa mukha. Strange, sapagkat lagi na ay nakaayos ang mukha ng dalaga saan man ito magpunta