"I don't get it why Konstantin has to come with you. Hindi na namin trabaho ang samahan ang bawat kliyente sa pagtingin ng ano mang property na bibilhin ng mga ito," mariing wika ni Alejandro habang prente itong nakaupo sa kanyang harapan. Kasalukuyan silang nasa may verandah ng ikalawang palapag ng bahay ng binata. Pasado alas-otso na ng gabi at kanina pa sila nakatapos kumain ng hapunan. Sa muli ay nagsalo silang dalawa ni Alejandro sa mismong komedor ng bahay nito. Kasama nila sa verandah sina Lemuel at Carlo na kapwa nakikinig sa mga sinabi ni Alejandro. Kanina nga ay kakagaling lang nila sa Taguig kung saan matatagpuan ang kompanya ng mga Lebedev--- ang LRE. Mula sa nasabing kompanya ay dire-diretso na siyang umuwi kasama ang "bodyguard" at driver na itinalaga ni Alejandro sa kanya