Chapter 13 Inilagay na ni Zabina ang mga damit niya sa cabinet ng kwartong ibinigay ni Judas sa kanya. Malawak ang kwarto niyang 'yon kumpara sa nirentahan niya. At sigurado pa siyang ligtas dahil may mga guards sa baba at sa bawat floors ng condominium. Maya-maya pa ay nakarinig na ng katok mula sa pinto si Zabina. "Dinner is ready, Zab. Let's eat," tawag pa sa kanya ni Judas. Napakunot naman ang noo ni Zabina. Inisip niyang baka naka-order na kaagad ng pagkain si Judas habang nag-aasikaso siya kanina sa loob ng kwarto. Dali-dali naman siyang lumabas. "Nag-order ka? Ano'ng food?" Tanong naman kaagad ni Zabina. "Nope, I cooked for our dinner." Mabilis na tugon naman ni Judas. "Woah. You know how to cook? That's nice." Namamangha na sabi pa ni Zabina. "I know how to do a lot of thi