The Wildest Revenge Of Divora-12 Matapos ipakita ni Sebastian ang kalawakan ng kanilang lupain, ay bumaba na sila sa bundok na 'yon. Mala-gentleman pa si Sebastian sa ginagawa n'yang pag alalay sa dalaga sa pagbaba nito sa bundok. Matapos makababa ng dalawa sa bundok ay agad na silang bumalik sa maliit na bayan kung saan naghihintay na sa kanila sina Alberto at Lara. "Kamusta ang paglilibot n'yo Divora?" tanong ni Lara sa dalaga. "Maganda, maganda rito. At magaling pala na turguide si Sebastian," aniya kay Lara. "Oh sha Divora, let's go home. Dahil bukas doon naman tayo sa niyugan papasyal, malapit lang 'yon dito. Sigurado akong mag eenjoy ka doon bukas." Panghihikayat pa ni Lara sa dalaga. "Lara, masyado akong namangha sa lugar na ito, kung pahintulutan mo sana, gusto ko sanang ma