Chap2.
The Wildest Revenge Of Divora
Pagkarating ni Divina sa loob ng kanilang bahay ay agad s’yang uminom ng tubig para pakalmahin ang kanyang sarili sa sobrang nerbyos.
“Diyos ko, ano kaya ang nasa isip ng lalaking ‘yon?” kinakabahang sambit ni Divina sa kanyang sarili at humogot s’ya ng napaka-lalim na hininga at muling lumagok ng tubig, at muling pinakalma ang kanyang sarili. Ng makalma na n’ya ang kanyang sarili ay agad na s’yang kumuha ng shampoo para sa kanyang mga anak na giliw na giliw na nagtatampisaw sa tubig ng batis.Nakita ni Nanay felly ang ayos ni Divina, na tila kinakabahan ito. Si Nanay Felly ay ang yaya ni Divina noon na hanggang ngayon ay kapiling pa rin n’ya, nilapitan s’ya ni Nanay Felly at tinanong.
“Ayos ka lang ba anak?” wika ni Nanay Felly kay Divana.
“O-oo Nay, O-oo a-yos lang ako,” utal na sagot ni Divina sa kanyang ina-inahan.
“Sigurado ka!?” turan ni Nanay Felly sa hindi kumbinsidong tinig.
“O-oo nay, alis na muna ako, babalikan mo muna ang mga anak ko.” aniya sabay alis.
Sinusondan lang ng tingin ni Nanay Felly si Divina sa hindi makumbinsing titig, nagtataka s’ya kong bakit ganoon na lamang ang ikinilos ni Divina na tila may mali.
“Ano kaya ang nangyayari sa anak ko?” mahinang tanong ni Nanay Felly sa kanyang sarili.
Ng makarating muli si Divina sa ilog ay agad ng napawi ang kanyang kaba matapos makita ang kanyang mga anak na masayang nagsasabuyan ng tubig sa ilog,
at nilapitan n’ya ang mga ito.
“Dianara, Divora, halika na kayo at maligo na kayo ng maayos dahil uuwi na tayo.” wika ni Divina na agad namang sinusunod ng kanyang mga anak.
Matapos paliguan ni Divina ang kanyang mga anak ay agad na silang bumalik sa kanilang pamamahay.
“Mommy, anong oras darating si daddy?” tanong ni Dianara sa kanyang ina.
“Oo nga mommy, anong oras darating si daddy?” sigundang tanong ni Divora sa kanyang ina.
“Mamayang gabi pa ang dating ng ama n’yo, pag tungtung ng 5,30 pm ay abangan n’yo na sa pintuan ang Daddy n’yo mamaya.” tugon ni Divina sa kanyang mga anak.
Lumipas ang Ilang oras ay tumongtong na ang 5,30 pm at parang mga tuta ang kambal sa kakahintay sa pagdating ng kanilang ama.
“Ah Dianara, nagbubukas na ang gate! Si daddy na ‘yan.” masiglang sambit ni Divora habang namimilog pa ang kanyang mga mata at sabay na naka-ngiting nag tinginan ang kambal, at ilang sandali pa lang ay bumungad na ang kanilang daddy sa kanilang mga mata.
“Daddy!” sabay na sigaw ng kambal at sabay din ang mga ito na kumaripas palapit sa bisig ng kanilang ama, na naka-handang yakapin silang dalawa.
“Ah, ang baho ng mga anak ko,” sambit ni Diorie habang inaamoy ang kanyang mga anak, at kapwa binuhat ang mga ito at hinalikan ng kambal ang magkabilang pisngi ng kanilang ama.
Habang si Divina naman ay nakangiting nakatitig sa kanyang mag ama.
Humakbang palapit si Diorie palapit sa kanyang asawa habang bitbit ang kanilang mga anak, at hinalikan ni Diorie ang kanyang asawa sa noo.
Napangiti si Divina sa iginawad ng kanyang asawa sa kanya, at agad na humawak sa bewang nito.
“Ano ba ang gusto mong ulamin honey? ”tanong ni Divina sa kanyang asawa.
“Kahit ano hon, masarap ka naman mag luto.” napakalambing na tugon ni Diorie sa kanyang asawa.
Masayang nagluluto si Divina ng ulam kasama si Nanay Felly sa kusina, habang si Diorie naman ay masaya at naaliw rin itong nakikipaglaro sa kanyang mga anak.
‘Di nagtagal ay tapos na si Divina sa paghahanda ng kanilang hapunan, at tinawag na n’ya ang kanyang mag ama.
“Hon, Dianara , Divora, halina kayo!” tawag n’ya sa kanyang mag ama at nag si-takbuhan ang kambal sa hapag kainan.
Habang si Diorie naman ay hinalikan sa pisngi ang kanyang asawa at ikinawit ang kanyang isang kamay sa bewang ni Divina.
“Hon, thanks for taking care of us,” sabi ni Diorie sa kanyang asawa.
“Nakoooo hon, wag kang magpasalamat sa akin , dahil masaya akong gawin ito sa para sa inyo na mag ama ko,” sagot n’ya sa malambing n’yang asawa. “Tara na hon, kain na tayo.” dugtong pa n’ya.
Magkatabing umupo ang mag asawa at masayang nag salo salo.
“Daddy, I want to be a lawyer like you someday,” bigkas ni Divora sa punong puno ng determinasyon sa harap ng kanyang ama.
“Nako talaga ba anak,eh bakit mo naman gustong maging lawyer? ”sabat ni Diorie sa anak.
“Simple lang daddy, I want to be amazing like you daddy.” sagot naman ni Divora.
“Ie ikaw Dianara, anong gusto mong maging balang araw?” tanong ni Diorie sa isa pa n’yang anak.
“I just want to be with Divora’s side lang po daddy ,” simpleng sagot ni Dianara sa ama.
Nagtinginan ang mag asawa sa napaka-simpleng pangarap ng kanyang anak na si Dianara at sabay na napangiti ang mga ito.
“Dianara, you should have your another dream,” wika ni Divora sa kapatid.
“Why Divora, ayaw mo ba akong kasama?” nagtatampong wika ni Dianara.
“That’s not what I mean Dianara, then how about let’s become a lawyer someday?” ani ni Divora sa kakambal.
“Kung san ka don ako Divora. ”sagot ni Dianara sa nais ng kapatid.
Pagkatapos kumain ay pumasok na ng silid ang kambal habang si Divina naman at Diorie, ay nasa kama na din nanonood ng pelikula.
“Hinalikan ni Diorie ang kanyang asawa sa leeg at inamoy-amoy ito.
“Hon, tell me. Is there anything bothering you right now?” usisa ni Diorie sa asawa.
“Wala hon, bakit mo naman natanong ‘yon?” sagot n’ya sa kanyang asawa.
“Nothing hon, maybe I was just overthinking.” sagot ni Diorie sa asawa at niyakap ito at inihilig ang ulo nito sa kanyang bisig.
“Hon, I’m your husband, don’t hesitate to tell me anything okay?” sabi n’ya kay Divina.
“I know hon, I love you.” sagot n’ya kay Diorie sabay siniil ng halik sa labi ang kanyang asawa, at mas lumalim pa ang halikan na ‘yon sa pagitan ng mag asawa.
Kinaumagahan ay maagang umalis si Diorie para sa trabaho nito at muli na namang nagpaalam sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa.
“Be careful saddy.” sabi ni Dianara sa ama.
“Daddy, please bring us pizza tonight.” hiling naman ni Divora sa ama.
“ Okay, okay, I will bring your favorite and Dianara’s favorite tonight, for the exchange of, do not be so pasaway kay mommy?”
Wika n’ya sa kanyang mga anak.
“Hmmmmmm….” sabay tango na sagot ng kambal sa ama.
Diorie holds his wife’s face with his both hands at hinalikan ito sa noo.
“I will bring you a followers tonight hon,” aniya sa kanyang asawa
bago tuluyang umalis.
Nasa kusina na si Divina at naghuhugas ito ng pinggan ng biglang hindi mapakali si Divora.
“Anong hinahanap mo apo?” tanong ni Nanay Felly sa apo.
“I can’t found the stone lola, yung stone na nakita namin ni Dianara sa ilog, it’s too precious lola,” sagot ni Divora.
“I have to go lola, hahanapin ko ang stone sa ilog.” dugtong pa nito at narinig ‘yon ni Divina.
“Anak ako na, dito ka na lang. Ako na ang maghahanap non, maligo na kayo ni Dianara dahil magsisimba tayo.” sabi ni Divina sa anak na pinakinggan naman ni Divora.