The Wildest Revenge Of Divora-28 "Divora!" sigaw pa ni Sebastian at akmang aagawin pa sana n'ya ang dalaga mula sa braso ni Lucas ng bigla na itong binuhat ng binata pasakay sa kotse at walang ibang nagawa si Sebastian kundi ang mag bukas ng pintuan ng kotse para sa dalawa. Agad na isinugod ng magkapatid ang dalaga sa hospital. Habang si Lucio naman ay nasa mansyon lang at mainit na mainit ang kanyang ulo para sa kanyang anak na si Sebastian. Maayos na na-i-sugod ng dalawa ang dalaga sa hospital at kasalukuyan ng nasa mabuting kalagayan na si Divora at kasalukuyan itong nagpapahinga. Maya-maya lang ay maaari na s'yang lumabas dahil tama lang naman sa balikat ang kanyang na tamo. Habang ang dalawa naman ay nasa labas ng silid ng dalaga. Kasalukuyang nakasandig ang likod ng mga ito