The Wildest Revenge Of Divora-31

1917 Words

The Wildest Revenge Of Divora-31 "Walang hiya kang bakla ka!" gigil na gigil na sabi pa ni Ador sabay sugod sa mayor ng nakataas ang kanyang itak at napa-yuko naman si Lucio dahil sa takot. Nagkagulo ang mga tao at nagsigawan pa ang iba. Agad namang hinarang ni Alberto ang lalaki upang protektahan ang mayor. Habang ang iba n'yang kasamahan ay nakapalibot na sa mga Grego. "Walang hiya ka Lucio! Mamatay tao ka! Ikaw! Ikaw ang may salarin sa lahat ng mga p*****n dito sa San Gabriel De Oro! Hayop kang mayor! Hayop!" anito habang iwinawasiwas nito ang hawak-hawak nitong itak. "Wala akong alam sa sinasabi mo!" pagmamalinis pa ni Lucio habang ang mga reporter naman ay nakiki-singit rin sa kaguluhan. "Mayor Lucio, ano totoo po bang Ikaw ang nasa video?" sabi pa ng reporter. "A-anong video?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD