Ayoko pa bumangon. Yun yung nasa isip ko habang nararamdaman ko na paumaga na. Hindi ako halos naka tulog buong gabi. All i want to do is feel Julian next to me.
Ngayo'ng araw na kasi ang flight ko. Na plano ko na ang lahat. Ihahatid ako nila Reiza sa airport ng walang ingay. Na rehearse na din nila sasabihin nila kay Julian kapag nagtanong ito.
"Baby! Bangon na. I cooked you breakfast!" Just then i heard Julian's voice near the door.
Did i heard him right?
"What?" Pupungas pungas pa ako nang bumangon.
Malapad yung ngiti ni Julian. He looked creepy, parang may masama na binabalak.
"Tada!" Excited na parang bata na sabi nito nang marating namin ng sabay ang kusina.
"Woah! Ikaw nagluto nito?" Gulat na tanong ko.
Carbonara yung nasa table, may saging at fresh milk pa.
"Oo. Para naman magka laman ka na ulit. Ang payat na ng Baby ko eh. Sorry kung gabi gabi na lang." Tapos humalakhak sya. "I promise to make it up to you." Tapos hinalikan nya ako sa pisngi.
Gusto kong sumigaw at umiyak. Damn. Bakit ngayon pa naging ganito si Julian? s**t lang.
Naghilamos at nag mumog ako tapos kumain na kami.
Bumukas yung pinto sa unit ko at iniluwa si Luke na may dalang pinggan. "Hey lovebirds. Makikikain ako."
Tumawa ako. "Sabay ka na sa amin." Aya ko.
"No. Kumuha ka tapos sa bahay ka kumain, sa kabila." Seryoso na sabi ni Julian.
"Julian.." Saway ko.
"Fine! May mga tao talaga na tinulungan mo na nga, ang ungrateful pa rin. Tsk!" Tapos umiling iling ito at kumuha na sa pan ng carbonara.
"Shut up!" Sabi naman ni Julian.
Parang mga bata talaga to'ng dalawa. Kahit magkaiba yung personality nila, nakakatuwa silang tingnan kapag nagsasagutan.
"Pasalamat ka masipag ako. Kung hindi ako bumili ng ingridients...." Bulong ni Luke bago umalis.
Natatawa talaga ako.
Julian cleared his throat matapos namin kumain. Inaayos ko na yung pinagkainan namin matapos ko mahugasan.
"Bakit di ka pa naghahanda? Baka ma late ka." Sabi ko.
"Wag na kaya ako pumasok? Diba sabi mo ngayon na lang tayo mag date?" Seryoso na tanong nya.
Nabitawan ko yung hawak ko'ng mug and it shattered. "Shit." Mura ko tapos yumuko agad ako para linisin.
"Hey! Ako na Baby. Let me." Agad sya'ng lumapit at kumuha ng dust pan.
Nagulat ako sa tanong nya. Hindi pwede. Dapat pumasok sya. Damn.
"Baby.. ang aga naman. Mga lunch na lang tayo lumabas." Lambing ko sa kanya. This time ay ako ang nag back hug. Tapos hinimas ko pa abs nya.
Nag isip si Julian saglit habang ipinapatong ang mga kamay nya sa magkahugpong na kamay ko sa abs nya at pinisil pisil ito.
"Uhm. Sige.. Wag ka aalis ha?" Sabi nito bigla.
I felt my heart got out of my chest. Bigla ako'ng napa bitaw sa kanya.
"H-ha?" Bigla ako’ng kinabahan sa tanong nya.
"Wag ka na muna aalis. I mean.. baka kasi may gala na naman kayo nila Zara today. You know..." Humarap sya sa akin.
"Ah! S-sige. Wala kami lakad." I assured him.
Bigla nya ako yinakap ng mahigpit. "Alright. Ligo na ako." Then he kissed me quick bago sya pumasok sa kwarto.
Nang maka alis na si Julian ay inayos ko ang buong unit. Naglinis ako at lahat. Ala una kasi flight ko, dapat 11 makaalis na ako. Nakasalansan naman na ng maayos mga damit ko, ilalagay ko na lang sa trolley at traveling bag ko.
Nagulat ako nang biglang may kumatok. Paglabas ko ng kwarto, papasok na si Luke. Bagong ligo.
"Pumasok si Julian?" Tanong nito.
Tumango ako. Kinakabahan ako kasi baka mapansin nya na nag aayos ako ng gamit ko.
"Grabe. All around ka na talaga. Ang kalat dito kanina ah? Sya na talaga swerte sayo." Inilibot ni Luke ang tingin. "Ah, oo nga pala. Ano kasi. Pwede ko ba makuha number ni Theresa?" Parang nahihiya na tanong nito.
Natawa ako. "Bakit di mo hiningi ng personal?" Sabi ko naman.
"Ayaw nga eh. Pagkatapos nya ako pagsamantalahan." Naiiling na sabi nito.
Natatawa talaga ako sa bawat ginagawa ni Luke. He's a funny guy, gusto ko na sya para kay Theresa kaya binigay ko.
Nang makaalis na si Luke ay tinuloy ko na yung pag eempake ko.
Alas diyes ay tumawag pa si Julian para ipaalala na alas dose nya daw ako susunduin. Oh God. I really feel so terrible at the moment.
I left a letter to Julian. Nakalagay iyon sa kama. Hopefully enough na iyon para kahit papaano hindi na sya maghanap.
Quarter to eleven tumawag si Theresa saying na nasa baba na sila. Kotse so Theresa lang ginamit namin. Umakyat sj Zara para tulungan ako.
"May oras ka pa para bumalik." Sabi ni Zara nang nasa elevator na kami pababa. "We won't take if against you."
"Tumigil ka na nga! Nagi guilty na nga ako eh." Tapos hindi ko alam bakit bigla ako umiyak.
"Anak ng! Kakasabi ko lang eh. Balik na tayo?" Sabi ni Zara.
Umiling ako habang magpupunas ng luha. "No. Sige na. Medyo nagiguilty lang talaga ako."
Hindi ako makasabay sa ingay nila dahil sumama talaga pakiramdam ko. Pero papanindigan ko to. Pinatay ko cellphone ko kasi panigurado na tatawagan ako ni Julian.
Medyo gumaan na yung loob ko when we reached thr airport. Kahit papaano nakakasabay na ako sa kanila. Kumain kami sa Burger Kinf habang wala pa ang flight ko.
"Sagutin mo na yan! Sino ba yan?!" Angil ni Reiza kay Zara. Limang beses na kasi halos tumutunog cellphone nito pero sinasilent lang nito.
"Wala to. Hayaan nyo na lang." Kibit balikat na sabi ni Zara.
Maya maya ay cellphone naman ni Theresa yung tumunog. Nangunot yung noo nya tapos tumayo.
"Wait guys." Tapos naglakad sya medyo malayo sa amin.
Nagkwentuhan na lang kami ulit. Nang bumalik si Theresa parang tinakasan ito ng kulay sa mukha. Bigla ito'ng namutla.
Pero ayaw naman nito sabihim kung bakit. Okay lang naman daw sya.
In thirty minutes ay nag iyakan at nag yakapan na kaming apat. Sabi ko na wag muna kami magkaroon ng contact para makapag adjust ako agad doon. Lalo lang kasi ako maho homesick kapag palagi ko sila makakausap.
Pumayag naman sila.
I kept on repeating to myself na kaya ko ‘to. Na tama ang ginagawa ko. I need to do this for myself. Walang kasiguraduhan kay Julian. Paano kung magalit sya ulit at tawagin nya na naman ako ng kung anu ano? Smooth sailing kami sa ngayon. Pero hanggang kalian?
Ang pinaka masakit.. yung no strings attached. Wala ako laban, eh. Mahal ko si Julian. It’ll just take a matter of time bago matapos to’ng kung ano meron kami. Tapos saan na ako pupulutin? I’m damn jobless. Kaya kailangan ko umalis para sa sarili ko.
Tapos nag check in na ako.
Bahala na. Makakalimutan ko rin lahat ng nangyari.
Julian,
The moment you read this letter is the moment i want you to know how much i care about you. What we shared is something special, and no one can take it away from me. I wanted to thank you for even noticing me. You were the man of my dreams and i am the happiest for the last days that we were together.
So thank you. Be happy. Find a girl you'll trully love, get married and have kids. I wish you all the happiness.. just like the happiness you gave me.
Take care Julian.
Love,
Katrina