Meet the last member of Lopez Siblings - Ang masungit na si Nathan

1253 Words
Kahit na napagod ako sa pag-aalaga ngayong araw kay Ran dahil nga namasyal silang tatlong magkakapatid dahil nalaman nila na uuwi ang kuya nila, hindi pa rin ako makatulog. Kaya naman naisipan ko maligo muna bago matulog at magpa-hangin sa garden ng bahay baka sakali na dalawin ako ng antok. Kamusta na kaya ang ate ko? Kamusta na rin kaya si best friend France ko? Mis na mis ko na sila, ang laki ng naitulong nila sa akin para makawala sa napaka-laking g**o na pilit akong ipinapasok ng Papa ko. Sinubukan kong tawagan ang number ni France pero operator na lang ang sumasagot, nagpalit na siguro sya ng number. Hindi naman ako makatawag sa bahay dahil baka si Mama o si Papa ang maka-sagot sa tawag ko. Hindi ko tuloy masabi sa ate na ok ako dito sa Manila at wala na syang dapat ikapangamba. Alam ko na nag-aalala na sa akin ang ate ko dahil nga hindi pa ako nakakatawag. Inaalala ko rin naman ang parents ko kahit na pano, syempre magulang ko pa rin naman sila. Alam ko na galit na galit ang Papa at Mama ko sa akin ngayon, pero kasi naman mali na yung mga gusto nilang mangyare. Hay, tama na nga tong pagmumuni-muni ko na to. Masyado ng gabi at kailangan ko pang gumising ng maaga bukas. For sure ang dami ng kwento ni Ran bukas tungkol sa mga nangyari kanina. Pati si Mons, sigurado ako na makikipag-kulitan din sya sa akin bukas dahil wala naman syang pasok bukas. Hay, tulog time na, pero syempre, iinom na muna ako ng gatas bago matulog. Habang nagtitimpla ako ng gatas ko at kumakanta ng One Step at A Time ni Jordin Sparks ay hindi ko namalayan na merong isang nilalang ang bumaba at papunta rin ng kusina para uminom ng tubig ng biglang… Nathan: sino ka? Anong ginagawa mo dito? Magnanakaw ka no? Billy: i-ikaw ang sino ka jan? at a-anong ginagawa mo dito? Sisigaw ako, wag kang lalapet. Nathan: sa ating dalawa mas muka kang magnanakaw no. Natatakot na talaga ako ah. Sino ba naman kasing hindi matatakot kapag nakakita ka ng isang malaking lalake sa dilim at hindi mo nakikita kung anong itchura nya? Billy: s-sinabi ng wag kang lalapet, sisigaw talaga ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa matino kong utak para takutin ang bagong yaya ng kapatid kong si Ran. Bakit kailangan ko pa syang lapitan? Nakita ko sya kanina sa garden at parang ang lalim ng iniisip nya, tapos heto ako ngayon at tinatakot sya. Billy: si-sinabi ng wag kang lumapit eh. Sisigaw na talaga ako. Nathan: eh di sumigaw ka. Ng makita ko na sisigaw na talaga sya dahil bumuka na ang bibig nya ay bigla ko syang nilapitan at hinalikan para pigilan yung pag-sigaw nya. Billy: ah - Sisigaw na talaga ako, natatakot na kasi ako sa lalaking to eh. Pero bigla na lang nya akong hinalikan. First kiss ko to. First kiss. Tapos ganito lang? parang walang kwenta ang first kiss ko, ninakaw ng isang nilalang na hindi ko alam ang itchura. Pwede naman na takpan na lang ang bibig ko para hindi ko matuloy yung pagsigaw ko, bakit kailangan na halikan pa? Baket??? Hindi ko alam kung bakit kailangan na halikan ko pa sya para lang pigilan ang pagsigaw nya na ako rin naman ang dahilan. But I felt something sweet when I did it and it makes me feel so happy. What the hell comes to me to suddenly feel this way when I have Trixie as my girlfriend/ flavor of the month? Ano bang pumasok sa utak ko at hinalikan ko ang isang babae na hindi ko man lang alam kung anong itchura? Then I turn the lights on. Wow, maganda pala sya. Billy: ba-bakit, bakit mo ginawa yun? Si-sino ka ba sa akala mo ha? Nathan: hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa eh, to think na hindi ko alam kung ano bang itchura mo. Now I know why I have that urge to kiss you, maganda ka naman pala. Billy: magnanakaw ka! Magnanakaw ka ng halik, alam mo ba yun? Nathan: I don’t care. This time itutuloy ko na talaga ang pag-sigaw ko at wala ng makakapigil sa kin. Billy: magnanak…… Anak ng teteng naman oh, halik na naman? Sumosobra na tong taong to. Pero infairness naman, ang pogi ng nagkaloob ng first kiss ko, hindi na masama pero, mali pa rin ito. Male!!! Pero eto ang pinaka-tamang gawin sa ganitong pagkakataon, ang gumanti… Nathan: aray! Bakit mo ko kinagat? Billy: nagtatanong ka pang manyak ka? Bakit ba kasi hinalikan mo na naman ako? Ahhhhh…… Buti naman at hindi na nya ako hinalikan, tinakpan na lang nya yung bibig ko ng palad nya. Ang bango ha. Nathan: wag ka ngang maingay jan. Baka mamaya magising pa ang Mama at Papa ko kung ano pa ang isipin nila na ginagawa ko sayo. Billy: Mama at Papa? I-ikaw? Nathan: oo, ako nga ang unang anak ng Mama at Papa ko. Ako lang naman si Jonathan Lopez. Billy: eh… ba-bakit kasi hindi ka nagpakilala agad? Nathan: sorry naman. Billy: sorry lang? ganon lang yun? Hindi mo ba alam na ninakaw mo ang first kiss ko? Ha? Impakto kang lalake ka. Nathan: hey, hey hey… Don’t talk to me that way, isa pa rin ako sa amo mo. Billy: oh well, well, well. Kung kasing manyak mo naman ang magiging amo ko, magre-resign na ako sa trabaho ko. Nathan: eh di mag-resign ka, ok nga yun eh, matatahimik ako habang nandito ako. Masaya yun. Billy: ah, so magiging masaya ka kapag umalis ako? Ganon ba? Nathan: ahuh. Billy: eh di hindi na ako magre-resign para hindi ka sumaya. Araw-araw kitang bu-bwisitin. Nathan: is that a threat? Billy: no. it’s a statement. Hahaha. Jan ka na nga. Nathan: hoy, hindi pa ako tapos sayo. Bumalik ka dito. Huminto ako sa kinatatayuan ko at nilingon ko sya, pero hindi ako lumapit sa kanya. Swerte sya masyado, sya ang may kailangan, sya ang lumapet. Ang taray diba?! Billy: oh, ano na naman? Nathan: ipagtimpla mo muna ako ng gatas. Hindi ako makatulog eh. Billy: haaaay… Naku naman, kapag inaabutan ka nga naman ng malas, kung kailan naman na inaantok na ako, saka ka pa magpapatimpla. Nathan: sige na, wag ng madaming sinasabi, magtimpla ka na lang jan. tandaan mo, amo mo ako. Billy: kung may amo man ako dito, yun ang parents mo. Kung may kailangan man akong alagaan dito, si Ran at si Mons yun. Sa tingin ko naman nasa tamang edad ka na, at kaya mo ng alagaan ang sarili mo. Nathan: eh paano kapag may sakit ako? Billy: kapag may sakit ka, wag kang pumunta dito, baka mahawa pa yung mga kapatid mo. Nathan: ah ganon? Billy: oh eto na yung gatas mo. Nauna na ako sayo, ilagay mo na lang sa lababo yung baso, bukas ko na lang lilinisin. Sige po sir Nathan. Hmp. Nathan: salamat. Kapag nagkasakit ako, sasabihin ko kay Mama na papuntahin ka na lang sa unit ko para alagaan ako para hindi na sila mahawa. Billy: bahala ka sa buhay mo. Malaki ka na, matanda ka na. That girl, I like her. Imagine, sya lang ang babaeng tumanggi sa halik ko? And she also has the guts to shout and dare me. I want to know her better; I’ll stay here for a week or two. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD