Haaaay! Kamusta na kaya si Ate at si France? Masubukan ngang tawagan si Ate, sana sya ang maka-sagot. Nag-dial na ako gamit ang cellphone ko, good thing hindi ako nauubusan ng load.
Nagri-ring na…
Arsenio: hello…
Potek na yan, sa dami ng tao sa bahay bakit sya pa ang naka-sagot, nasaan ba ang mga katulong sa bahay.
Arsenio: hello!
Para malaman ko kung nasaan si Ate kailangan ko syang tanungin, kailangan kong ibahin ang boses para hindi ako makilala ni Papa.
Billy: pwede po bang maka-usap si Annie, o kaya naman po si Mam Marcela?
Arsenio: sino ka ba?
Billy: ahm… ano bang sasabihin ko? Dating kaibigan po ako ni Annie, nandyan po ba sya?
Arsenio: WALA! Pinalayas ko na silang mag-ina.
At binaba na ni Papa yung telepono. WHAT? Pinalayas ni Papa si Mama at Ate? Saan ko sila hahanapin ngayon? Goddamn it! Sa bahay nila France, baka alam nila kung nasaan ang ate at mama ko.
Maid1: magandang gabi.
Billy: good evening po, ahm… nanjan po ba si Francine?
Maid: sino po sila mam?
Billy: kaibigan po nya ako.
Maid1: naku mam, pasensya na po, umalis po kasi s imam Francine, hindi po nya nabanggit kung uuwi po sya ngayon. Ano po bang pangalan nyo mam, para sabihin ko na lang po sa kanya na nagtawag kayo, at hinahanap nyo sya?
Billy: paki sabi na lang po tumawag po si Belinda. Salamat po.
Maid1: ok po mam, sabihin ko na lang po.
Billy: ah, pwede po bang magtanong?
Maid1: ano po iyon?
Billy: dapat ko pa ba talagang itanong kung nagpunta doon ang ate ko? bahala na nga! Ahm, napasyal po ba jan si Mrs. Marcela Lopez at Anita Lopez?
Maid1: opo mam, noong nakaraang lingo lang po. Nagbilin lang po yung mag-ina kay mam Francine, baka daw po kasi tumawag kay mam yung isa pang anak ni Mrs. Lopez.
Billy: ah ganun ba.. oh sige, pakisabi na lang kay Francine na tumawag ako. Alam mo ba ang cellphone no. nya?
Maid1: ay naku mam, pasensya na po kayo, hindi ko po alam.
Billy: walang problema, sige. Salamat. Babay.
My gosh, talaga ngang pinalayas ni Papa sina Mama at Ate, saan sila pupunta sila Mama?
Gio: ate Billy, bakit gising ka pa? sino yung kausap mo kanina sa cellphone?
Billy: tinawagan ko yung kaibigan ko para kamustahin ang pamilya ko, kaya lang wala sya sa bahay nila ee.
Gio: ganun ba? Siguro Ate, mis na mis mo na yung pamilya mo.
Billy: oo, lalo na ang Ate ko. Tapos umalis ako sa amin na hindi kami nag-uusap ng Mama ko, sana maka-usap ko sya para maka-hingi ako ng tawad sa kanya.
Gio: siguro naman ate may valid reason ko kung bakit ka umalis sa inyo ng walang paalam, pero kung ano man yon, hindi ko na aalamin, matalino ka naman, alam kong yung tama lang ang ginawa mo.
Isa pa tong si Gio, daig pa ang kuya nya sa mga binibitawang salita. Bakit ba ang magka-kapatid na mga toh, masyadong matured kung mag-isip? Hindi ba nila alam na mas masaya at mas maganda ang buhay kung hindi mo seseryosohin?
Billy: thanks Gio! Oo nga pala, bakit gising ka pa, may pasok ka pa bukas ah.
Gio: iinom lang ako ng gatas, nauuhaw ako ee. Alam mo Ate Billy, bagay kayong dalawa ni Kuya.
Anu daw? Kami ni Nathan bagay? Inaantok na tong si Gio, sigurado ako dun.
Billy: inaantok ka na Gio, itulog mo na yan.
Gio: I’m serious Ate Billy. Kanina sa mall, nung magkatabi kayo, nakita ko bagay kayo. Pero kung magkasing-age lang kami ni Kuya, mas bagay tayong dalawa.
Billy: ahahaha, hanep sa mga banat Gio ah.
Gio: pero Ate Billy for example, sabihin ni Mama na sa condo ka muna ni Kuya, ikaw muna ang mag-ayos ng unit nya, papayag ka ba?
Billy: oo naman, trabaho ko yun ee, saka amo ko rin naman ang kuya mo.
Gio: simulan mo ng maghanda, malapit ng mangyari yon. Good night Ate Billy.
Billy: akala ko ba for example lang, bakit ngayon kailangan ko na yung paghandaan? Niloloko mo ba ako Gio?
Gio: matulog ka na Ate, maaga ka pang gigising bukas, sige ka, lalaki yang eye bag mo.
Ang labo namang kausap nitong si Gio. Mangyayari ba talaga yun? Yung ako yung magiging personal maid ni Nathan sa condo unit nya? Oh please my good Lord, save me from so many sins that I might commit once na mangyari yon.
Time: 7:30 am
Location: Dinning Room of Lopez Mansion.
Marlon: So Dear, sabihin mo na sa kanila ang plano natin this year.
Glenda: Gio, Ran and Monina, we’ll go to Singapore this year for your vacation.
Monina: Really mommy? I like that.
Ran: pwede ba nating isama si Nanny?
Glenda; I’m sorry baby but, Nanny Billy can’t go with us.
OH NO!!! eto na ba yung sinasabi ni Gio kagabe? Anak ng tipaklong naman oh, akala ko ba Gio what if lang yon, bakit ganito? Bakit parang nagkaka-totoo yung sinabi mo?
Gio: so, si Ate Billy, sya muna ang magiging personal maid ni Kuya?
Marlon & Glenda: YES!
YES! This is it! This is what I’m waiting for, ang masolo si Billy. I’ll make sure na magugustuhan mo ang pag-stay mo sa unit ko.
Monina: prepare yourself Ate Billy for a big mess. Dinaig pa ng dump site ang unit ni Kuya.
Nathan: hey Mons, sobra ka naman. Wag mo namang takutin si Billy, baka mamaya hindi na sya pumunta don.
Glenda: Billy, ikaw na muna ang magiging personal maid ni Nathan and sa unit na nya muna ikaw tutuloy. Nakasanayan na kasi namin na vacation leave na rin ng lahat ng katulong kapag nagpupunta kami abroad. Since wala ka namang family dito, kay Nathan ka muna tumuloy just to make sure na safe ka.
Kailangan ba talaga sa unit ako ni Nathan tumuloy? Hindi ba pwedeng kila Sarah na lang ako o kaya kila Manang Doray?
Billy: ah…opo…sige po! (no choice naman na ako diba… wala nga akong sariling tinutuluyan dito ee.)
Nathan: don’t worry Billy, habang nandoon ka sa unit ko, pipilitin ko na wag magkalat, para naman parang nasa bakasyon ka lang.
Billy: I hope so.
Sana nga Sir maging parang nagbabakasyon lang din ang maramdaman at maranasan ko. Haaaay!!! Ihanda mo na nga lang Belinda ang sarili mo sa mga posibleng mangyare.