The Day To Come!
Ang gwapo at ang ganda naman ng mga apo ko.. nurse kelan namin sila puede makarga? Excited na mahawakan ni mama ang mga anak ni amy, ganyan kasabik ang ina ko..sa mga bata.. kung alam mo lang ma na may mga apo kana rin..but damn saan ko sila hahanapin, kahit ang dami kung pera hindi ko parim sila mahanap...
Oh hijo halika puede na daw natin makita at makarga ang mga bata..nasa private room na si amy..dadalhin na ang mga bata maya-maya, parang bumata ang mama ng ilang taon.. dahil sa pagdating sa buhay namin ng dalawang angel na ito..
Parang may kahawig ang mga bata..sa isip ni dave..pero impossible naman na ang kaibigan kung si daniel ang ama nila.. namamalikmata lang siguro ako..napakagwapo at ganda ng mga bata..ang kikinis nila.. at ang mga mata noong dumilat..nalula ako..kulay kahel ang kay aiken at dark brown naman ang kulay ng kay angela.. ang haba rin ng pilikmata..nila.. hijo ako nagulat sa kalabit ni mama.. natulala kana riyan.. gumawa kana rin para mabigyan mo ako ng mga apo..mas marami mas masaya..
Samantalang nagising si amy.. Na ramdam ang manhid at sakit ng katawan.. Gawa ng panganganak niya,. parang di ako makakilos ng sarili ko lang... Hanggang kailan kaya ganito..ayaw ko maging pabigat kina dave...at mama...nakakahiya. Na sa kanila
Kaya mo naba sila kargahin amy.. dave help her up.. may reclining naman ang bed.. masakit ang tiyan ko gawa ng tahi..ganito pala ang cesarean
Ako na ang bahala dito dave at magpapabreastfeed si amy..labas kana muna hijo.. mabuti napansin ni mama na naiilang ako kay dave..okey lang kami at pareho naman kami babae..
Kumusta na ang pakiramdam mo.. Tanong saken ni mama, sa friday puede kana daw lumabas hija.. sa bahay kana na magpapagaling. salamat po mama..
Don't mention it hija..masaya kami ni dave at dumating kayo ng mga bata sa buhay namin..kaya huwag kana mahiya..apo ko na rin ang mga anghel na ito...
Nakakatuwa at mahal nila ang mga anak ko.. salamat mama sa pagmamahal samin ng mga bata.. makakaasa ka hija na hindi kami magkukulang sa pagmamahal sa mga bata.. kung sakaling gusto mo magtrabaho kami ang bahalang magbantay...
Pagkatapos ng isang linggo na pamamalage sa hospital.. ngayong araw ang uwe namin sa bahay.. maayos naman ang mga bata at walang problema sa kalusugan..
Nagulat ako at may hinanda silang salu-salo para sa paguwe namin..nakaka touch naman ate nag-abala pa po kayo.. maraming salamat po..
Ang ganda at ang gwapo ng mga bata amy., may lahi ba ang ama nila..sabi nga ni senyorito dave parang may hawig daw ang mga bata sa matalik niyang kaibigan..pero inposible naman daw na iyon ang ama.. bigla akong kinabahan, malamang na kakilala ni dave ang ama ng kambal.. pero bahala na.. wala ako kasalanan sa kanya..siya ang nagloko..bakit ako matatakot kung dumating ang araw na magkaharap-harap kami.. akin lang ang mga anak ko..
Nag-papabreastfeed din ako sa kanila kaso kulang parin ang gatas ko lalo ang lalakas nila dumede.. nakakatuwa ang mga anak ko.. ang tataba na nila, mamula-mula ang mga balat nila na maputi.. halos lahat namana nila sa ama nila lalo si aiken carbon copy siya ng ama niya..habang si angela ang labi at mata lang ang nakuha saken..
Mababait ang mga bata at hindi sila iyakin, basta busog lang sila.. kahit ewanan ko kina manang, wala ako konsomisyon..
Amy magiging busy kami ngayong linggo at may dadating na bisita si senyorito ang matalik na kaibigan niya.. galing pa sa erurope, ilang taon din daw namalage doon at na dipress ba yon.. yan ang sabi ni senyora.. napakagwapo noong best friend ni senyorito amy.. kung single ka lang malamang bagay kayo..
Naku manang, ayaw ko na ng sakit ng ulo..masaya na po ako kasama ang mga anak ko.. kaya exis po ang mga lalake..ikaw na bata ka..huwag mo sabihin yan at bata kapa..isa pa maganda ka..di nga halata na may anak kana..
Siya sige na pasok na sa loob at masakit na sa balat ang araw..baka matusta ang mga bata.. tulog na sila Aiken at angela.. antukin talaga itong mga anak ko..
Marunong narin sila, sumasagot pa pag kinakausap ko.. may dimples sila pareho..kaso tag-isang pisnge lang..natatawa nga kami at parang naghati lang silang dalawa sa dimple..
Anong araw ba ang dating ng bisita natin manang,? sa sabado daw hija.. nalinisan narin namin ang room na dating ginagamit ng senyorito daniel pag nandito siya.. baka naman kapangalan niya lang ang asawa ko.. marami naman ang magkapangalan sa mundo.. oh bakit parang namumutla ka hija?..masama ba ang pakiramdam mo? Ayos lang po ako... Aakyat po muna ako manang.. papaliguan ko muna ang mga bata..
Ngayon pa ako nababahala ng ganito, naka move on na ako..bakit ba parang pinaglalapit ulit kami ng panahon.. diko alam ang gagawin ko pag magkita kami..ni daniel.. namumuhi parin ako sa kanya..
Sana hindi niyo ako kamuhian balang araw mga anak..ginawa ko lang ang nararapat, kesa malakihan niyo na lage kami nag-aaway ng ama niyo...ayaw ko masaktan kayo.. masaya naman na tayo-tayo lang na mag-iina.. bubuhayin ko kayo sa abot ng makakaya ko... Para akong sira na kinakausap ang mga anak ko..hindi pa sila nakakaunawa sa ngayon..ipagtatapar ko rin sa kanila ang lahat, pagdating ng tamang panahon..
Manang katabi ba ng room namin ng mga bata ang kwarto ng bisita.. kasi kagabi naulingan ko na parang may naglabas pasok sa kabilang silid... Oo hija kagabi dumating ang senyorito daniel, kasama si senyorito dave.. ayon maaga nga sila umalis ngayon at mangangabayo daw sila..
Halika kana sa hapag at kakain na kayo..ako na muna ang magbabantay sa mga bata amy, salamat po manang.. sige po baba na ako..pinadede ko po kasi kuna sila..
Nag-ayos lang ako saglit at bumaba na para sa almusal..ang dami naman ng nakahain, hija mabuti at bumaba kana, magandang umaga po mama, pinuntahan po ako ni manang siya muna ang nagbantay saga bata,.
Sige halika kana at maagang umalis si dave at si daniel, nangabayo., ipapakilala kita mamaya pagbalik nila.. diko pa nga nabanggit sa batang yon na nandito ka at ang mga bata..tiyak magugulat iyon..
Okey lang naman mama, kahit hindi mo po ako ipakilala, isa pa po kaibigan siya ni dave.. nakakahiya po., anu kaba amy kapamilya kana namin, kaya huwag ka mahihiya.. magtatampo ako sayo pag ganyan ka.. pasensya na po mama..
Natapos kami kumain ni mama na wala ng imikan.. kung dipa nagsalita si mama dipa ako mag-aangat ng ulo.. hija pupunta ako sa mga shop natin sa bayan, dina kita isasama at ang mga apo ko..baka hanapin ka..kagaya noong isang linggo, walang tigil sa kaiiyak ang mga bata, nalungkot siguro at iba nagbabantay sa kanila..
Kaya moba mama na ikaw lang ang mag-lilibot sa shop, baka mahilo na naman kayo..magsama po kayo ng puede mag assist sayo mama.. ikaw na bata ka..kaya ko, bigla nga ako lumakas simula ng dumating ang mga apo ko., puntahan ko sila mamaya sa nursery room nila.. namimiss ko agad ang mga apo ko..
Diko pa sila napaliguan mama.. aakyat na po ako, padedehin ko narin sila, at papaliguan after..sige hija..take your time..huwag ka masyado magpagpod at baka mabinat ka.. maraming salamat mama... Sige na akyat na at baka magkaiyakan pa tayo..na batang ito talaga..
Manang ako na po ang bahala dito.. kumain na po kayo..tapos na ako kanina bago ako umakyat dito hija.. mabuti hindi umiyak si Angela noong magising, ayan naglalaro lang..busog kasi yan sila manang.. papaliguan ko na sila pag magising si aiken.. sige tulungan na kita para dika mahirapan.. malikot din ajg mga ito at gustong gusto maglaro sa tubig...
Si manang na ang naghanda ng pampaligo ng mga bata.. hands on din sila lalo sa mga anak ko... Laking pasalamat ko at nandiyan sila para makatuwang ko.. sa gatas at diaper naman ng mga bata pati vitamins.. si dave ang laging bumibili..may ipon naman ako kaso ayaw naman paawat at ninong naman daw siya ng mga bata..sobrabg thankful ako sa kabutihan nila samin.