[Crimson] Hindi ito ang unang beses na nagising akong wala si Chase sa kaniyang kama. Noong una, balewala lang sa akin ang palagi niyang paglabas ngunit sa tuwing tinititigan ko ang orasan nagtataka ako kung bakit palagi siyang nawawala sa tuwing sumasapit ang ala-una at bumabalik naman ito nang alas-tres ng madaling araw. At tulad ng parati kong ginagawa lumalabas lamang ako ng kwarto sa pag-aakalang gamit nito ang C.R. o may iba pa siyang ginagawa maliban doon. Gusto ko na ngang kurutin ang sarili ko dahil naging praning na yata ako simula noong makilala ko siya at dagdag isipin pa ang self defense lessons na ipapagawa niya sa akin simula bukas. Kung ganito sana ang liwanag ng buwan gabi-gabi hindi ako matatakot na lumabas ng madaling araw para hanapin siya at malaman kung ano ang gin