[Crimson] Nagpapasalamat ako dahil nagawang sumaklolo nina manang ng mga panahong akala ko ay mahihimatay na rin ako sa tabi ni Chase. Mahigpit lamang ang pagkakayakap ko sa kaniya habang nanatili naman itong nakasandal sa aking balikat. Nang mga oras na 'yon, wala akong ibang naramdaman kung hindi ang mainit nitong hininga sa aking leeg. At mukhang hindi ko yata makakalimutan ang namumutla at humihingi ng saklolo nitong mukha pati na rin ang nahihirapan niyang mga daing. Tapos na ang nangyari ngunit paulit-ulit pa ring bumabalik ang imahe niya sa aking isipan. Damang-dama ko pa rin hanggang ngayon ang kilabot na hatid ng kamay nito nang hinawakan niya ang paa ko mula sa ilalim ng mesa at kung paano niya ipinakita sa akin ang matinding pagnanasang nararamdaman nito sa dugo ko. "Maiwan