[Crimson] As much as I wanted to think about it, I just found myself wondering about his existence. Hindi ako mapakali habang pinagmamasdan itong nakasuot ng kulay itim na jacket at natatakpan naman ng hood ang kaniyang mukha. Kababalik palang nito ng mansyon nang sinabi niyang kailangan kong sumama sa kaniya dahil may mahalaga kaming pupuntahan. Labis ang pananayo ng mga balahibo ko sa katawan habang naglalakad kaming dalawa sa isang matirik at madilim na daanan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya nag-abalang gumamit ng kotse at wala rin itong imik habang naglalakad kami. "Chase, huwag ka sanang magagalit sa kakulitan ko. P'wede ba akong magtanong?" sambit ko habang hawak niya na ang aking braso at kapapasok lamang namin sa isang masukal na daanan kung saan maraming malalaking