[Crimson] Umasa ako sa himalang magagawa kong mapauwi ang magkapatid sa apartment sa kabila nang sobrang kalasingan nila. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero nagawa ko namang pasunurin ang mga ito. Halos kalahating oras ding nagpasaway sa akin si Flare bago ito pumasok ng kwarto niya habang panay naman ang pangungulit ni Theo at nagawa pa nitong ikulong sa magkabila niyang palad ang mukha ko. "You really look like a kitten, Crimson!" masigla nitong sambit habang nakatingin sa mga mata ko. "Konti nalang mas malaki na ang eyebags mo sa mga mata mo, but you still looks cute for me." Kumunot ang noo ko. Lasing man o seryoso si Theo, talagang wala siyang alam kung paano magbigay ng simpleng compliment sa ibang tao. Nakakatuwa lang dahil sinusubukan naman nitong magsabi