Sunday ngayon at ito sana 'yung araw na palagi kaming nagba-bonding ni Shawn. Kada linggo ay hindi namin nakakaligtaang magsimba dahil Siya na lang ang masasandalan namin ng kapatid ko. Ngayon ay hindi muna kami magkasamang magsimba ni Shawn, sasamahan niya raw si Aleng Nelia sa Redemptorist Retreat House na malapit dito sa bahay namin. Tamang-tama naman dahil inaya ako ni Stan na magsimba sa simbahan na sa loob daw ng subdivision nila at susunduin niya ako mamaya.
Sinuot ko ang flair floral dress na regalo ng boss namin no'ng Christmas. Nagsuot din ako ng belt na blue na bumagay ang kulay sa dress ko at tinirnuhan ng dirty white na flat sandals. Naglagay lang ako ng pulbo at strawberry lip balm dahil yun lang naman meron ako. Hindi kasi ako bumibili ng make up dahil hindi naman kasi ako marunong maglagay ng mga iyon at isa pa wala naman akong pambili. Tamang-tama lang ang sweldo ko sa pangangailangan namin ni Shawn sa araw-araw.
Lumabas ako ng kwarto nang marinig kong may tumigil na sasakyan. Sinukbit ko ang maliit kong sling bag. Hindi na ako nag-abalang magpony tail ng buhok. Naglagay lang ako ng hair clip at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok na natural na wavy sa dulo.
Lumabas ako ng bahay at ni-locked ang pinto at humakbang papunta kay Stan. Nakita ko siyang prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan at nakapamulsa. Bahagyang naka-awang ang kanyang mga bibig at nakita ko din ang paggalaw ng adams apple niya nang lumunok siya.
Titig na titig siya sa akin habang naglalakad ako papunta sa kanya. Pero hindi ko 'yon pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa suot niya. Lalo siyang gumwapo sa suot niyang polong kulay blue na naka-fold sa bandang siko at tinernuhan niya ng faded jeans. Hindi ko namalayang nasa harap niya na pala ako.
"P-pangit ba?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Baka kasi na-disappoint siya sa ayos ko. Napaka gwapo pa naman niya ngayon.
"Beautiful is not enough to describe you..." sabi niya na hindi inaalis ang titig sa'kin.
"You're gorgeous." Pakiramdam ko may nagliliparang paru-paro sa tiyan ko dahil sa sinabi niya.
"T-thanks..." sabi ko na lang at umiwas ng tingin sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot siya sa drivers seat. After 30 minutes ay pumasok kami sa isang magarang subdivision. Itinigil niya ang sasakyan sa di- kalakihang simbahan. Tamang-tama naman ang dating namin dahil mag-uumpisa na pala ang misa.
Nang lumabas na kami pagkatapos ng misa, inalalayan ako ni Stan papasok sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, nagpati-anud na lang din ako. Iniisip ko kasi kung pa'no ko kung paano ko siya tatanungin tungkol sa status namin. Alangan namang tatanungin ko na lang siya bigla ng, "tayo na ba?" Hindi din naman pwedeng sabihin ko sa kanyang, oy Stan, 'di ba sinagot na kita? E di tayo na. Magmumukha naman akong timang no'n pag nagkataon.
"You seemed quiet, problem?"
Napabaling naman ako kay Stan. Hindi ko napansing tumigil na pala ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Scratch that. Hindi pala basta malaking bahay lang, mansyon pala ito.
"Wala naman, kaninong bahay 'to?" Ibinaling ko ang paningin ko sa malaking mansyon .
Hindi naman sumagot si Stan sa halip ay bumaba na lang siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Shall we?" Inilahad niya ang kanyang kamay sa'kin.
"Teka-teka, papasok tayo diyan?" Sabay turo sa pinto ng malaking bahay.
"Yeap." Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya sa loob.
"B-bahay niyo 'to?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. First time kong pumunta dito at hindi ako handa kaya naman parang binabayo ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ngiti lang naman ang isinukli niya sa tanong ko. Pagpasok namin ay tumambad ang mga kawaksing abalang-abala.
"Son!"
Napalingon kami sa babaeng sumulpot na mukhang galing sa kusina dahil naka-apron pa ito. Tantiya ko ay nasa early 40's na siya pero maaaninag pa rin ang angking ganda nito. Humalik si Stan sa pisngi niya , ito siguro ang mommy niya.
"Are you my son's girlfriend? You're so beautiful!" His mom giggled. Hinawakan niya ako sa kamay at niyakap.
"Mom, please stop it. She can't breath anymore." Hinila ako ni Stan mula sa pagkakayakap ng mommy niya.
"Oh, sorry dear, I'm just so happy to see you..." magiliw na saad ng mommy niya.
"Mom, please?" Naiiritang sagot ni Stan.
"Fine, tara na sa komedor, andun na ang Dad mo."
Nang pumasok kami sa komedor ay napanganga naman ako sa dami ng pagkain sa mesa. Fiesta ba dito? Namataan kong may nakaupong lalaki na nagbabasa ng diyaryo. Siguro nasa late 40's na siya. Ganunpaman halatang kamukhang kamukha nito si Stan. Hindi maikailang Daddy niya 'to.
"Honey, our son's special girl is here!" Masayang anunsyo ng mommy ni Stan kaya napa angat ang tingin niya mula sa diyaryo. Umupo ang mommy ni Stan sa tabi ng Daddy niya samantalang pinaghila niya naman ako ng upuan at tumabi siya sa'kin.
"I must say, my son has a good taste, huh. Ang ganda-ganda mo, iha. C'mon don't be shy."
Napangiti naman ako nang alanganin sa Daddy niya. Mukha siyang intimidating sa unang tingin pero mabait din pala siya. Asikasong asikaso naman ako ni Stan. Halos subuan niya na nga ako, hindi niya na masyadong nagalaw ang pagkain niya sa sobrang asikaso niya sa'kin. Siya lang naman ang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
"You're so sweet, son. Naaalala ko tuloy no'ng kami ang sa edad niyo ngayon." Mukhang kinikilig na sabi ng mommy niya.
Ang sarap sa pakiramdam na ganito ang pamilya ni Stan. Naalala ko tuloy sila Papa at Mama . Kung nabubuhay pa kaya sila, ganito rin kaya kami kasaya?
Pagkatapos naming kumain, inilibot naman ako ni Stan sa buong mansyon at wala akong masabi sa sobrang ganda nito. Marami silang antique na kagamitan pero halatang moderno ang disenyo ng buong bahay. Napadpad kami sa garden at sa kabila ay may malaking pool. Umupo kami sa magkabilang upuan sa gitna ng isang lamiseta.
"Ah, thank you nga pala sa pagdala sa'kin dito. Ang saya ko kasi ang babait ng parents mo."
Ngumiti naman siya sa'kin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"You don't have to thank me, Sham. I just want them to meet the girl I chose to be part of our family." Seryosong sabi niya at hinalikan ang kamay ko.
"I love you so much, Sham. I really do."
"I-I love you too, Stanley Drew Mijares."