Pagkagising ko ay naghanda agad ako para sa trabaho. Ngayong walang pasukan ay full time ako sa trabaho. Nagluto na rin ako ng agahan pati pananghalian ni Shawn mamaya. Ang sabi ni Stan ay susunduin niya ako at ihahatid sa trabaho kaya naman nagluto ako ng medyo marami, baka kasi dito na naman siya magbi-breakfast.
Around 7 na nang natapos ako sa paghanda at pag-ayos ng sarili. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Stan. Baka na traffic lang siya. Ginising ko na lang si Shawn para makasabay namin siyang kumain pagdating ni Stan.
7:30 na pero wala pa rin si Stan kaya napagpasyahan kong kumain na lang. 8:30 ang pasok ko kaya kailangan ko ng magmadali.
"Susunduin ka ba ni Kuya Stan, ate?" tanong ni Shawn habang kumakain.
"Hindi ko alam, baka busy 'yon," sagot ko na lang dahil maging ako ay naguguluhan. First time kasing na-late si Stan ng ganito. Hindi siya pumapalya sa tuwing sinusundo niya ako, kadalasan nga maaga siyang dumadating.
Baka siguro nakalimutan niya lang akong sunduin dahil busy siya. Ang alam ko, tini-train daw siya ng Daddy niya para maging CEO ng company nila.
Hinayaan ko na lamang si Stan. Baka nga siguro busy lang siya kaya hindi niya ako nasundo. Pilit kong itinatanim sa isip ko iyon pero nakaramdam pa rin ako ng lungkot. Sumakay ako ng jeep papuntang restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Medyo nanibago nga ako kasi mahigit tatlong buwan na din akong hinahatid sundo ni Stan. Hindi kaya nagsawa na siya sa'kin? Hindi kaya nainip na siya sa kahihintay, akala ko ba mahal niya ako. Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. But I already said the magic words.
Matamlay akong pumasok sa loob ng restaurant. Hindi na din ako nag-abalang tawagan o itext si Stan. Baka kasi ispin niyang ginagawa ko lang siyang driver. Wala naman akong karapatang magdemand na sunduin niya ako dahil hindi pa naman niya ako asawa. Tama. Kaya wala akong kaarapatang malungkot. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Ganun nga talaga siguro pag mahal mo na ang isang tao.
"Oh, bakit parang pasan mo ang daigdig?" Bungad sa'kin ni Mylene.
"Ahah! walang papa Stan pala na naghatid. Kaya pala nakasimangot yang fes mo," dagdag pa niya kaya napabuntong hininga ako.
"Bakit ganun Mylene. Hindi niya lang ako nasundo para akong nasasaktan? Nangako kasi siyang susunduin niya ako.." maktol ko sa kanya.
"That means mahal mo na talaga siya girl, OMG! Ayan kasi pakipot pa. Nakow baka naghanap na 'yon ng iba." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Baka nga siguro ganun, baka nagsawa na talaga siya sa'kin.
"Joke lang. Baka busy lang talaga 'yon. Pero seryosong usapan ha. Kung ako sa'yo hindi ko na talaga pakakawalan yang si papa Stan. He's a complete package, wala ka ng hahanapin pa. Pasalamat ka nga na-in loved sa'yo 'yon eh." Mahabang litanya niya with matching gestures pa.
Natapos ang araw na hindi manlang nagparamdam si Stan. Wala akong natanggap ni isang tawag o text galing sa kanya. Umuwi akong matamlay sa bahay. Sakto namanng pagpasok ko ay bumuhos ang malakas na ulan. Wala namang napabalitang bagyo pero malakas ito. Nakikisama ba ang panahon sa mood ko? Napabuntong hininga na lang ako, at siguro pang labing siyam ko na tong buntong hininga sa buong araw.
Matapos naming maghapunan ni Shawn ay nag ayos ako ng sarili para matulog. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Akmang hihiga na ako nang marinig ang malakas na pagpalagpag ng pinto ng bahay kaya mabilis akong tumungo dito.
Pagbukas ko ay tumambad sa'kin ang basang basa na si Stan.
"Stan! Anong ginagawa mo dito? At bakit basang-basa ka?"
"Can I get in?" Tanong niya habang nanginginig.
Pinapasok ko siya sa bahay at dali-daling kumuha ng tuwalya sa kwarto. Kinuha ko na rin ang pinakamalaking t-shirt ko para ipampalit niya.
"Bakit ka ba nagpapabasa sa ulan, gusto mo bang magkasakit?" Sita ko sa kanya na may halung pag-alala.
"I'm just worried about you. I'm sorry hindi kita nasundo. I wasn't really feeling well. Pero ng umulan ay pinilit kong makabangon para puntahan ka."
Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. How can this guy be so sweet?
Pagkatapos magpalit ay dito ko na lang din pinatulog si Stan sa bahay. Tumabi muna ako kay Shawn at siya naman ang natulog sa kwarto ko. Nakaramdam naman ng saya ang isang bahagi ng puso ko dahil nag-abala siyang puntahan ako kahit masama ang pakiramdam niya. Medyo may sinat pa nga siya kanina nang hawakan ko siya kaya pinainom ko agad siya ng gamot para hindi lumala.