Maaga akong nagising para ipaghanda ang lakad namin mamaya. Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay nagluto agad ako ng breakfast namin. Mga 7 na din ako nakatapos sa lahat ng gawain. Tamang-tama naman dahil lumabas si Shawn sa kanyang kwarto na pupungas-pungas.
"Morning ate," bati sa'kin ni Shawn na bahagyang kinukusot kusot ang kanyang mga mata.
"Morning din little bro, maligo ka na para sabay tayong kakain. Susunduin tayo mamaya ni Stan," sabi ko.
"Talaga ate? Susunduin tayo ni kuya Stan?" Bigla namang lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
"Oo nga, ang kulit. Hala, sige na maligo ka na," pagtataboy ko sa kanya sa banyo para maligo.
Simula nang ligawan ako ni Stan ay palagi niya akong hinahatid-sundo kaya magkasundo sila ni Shawn. Palagi niya ring dinadalhan ng pasalubong ang kapatid ko. Akala nga ni Shawn nun ay boyfriend ko na siya, sinabi ko naman na nanliligaw palang at ang mokong kinukulit akong sagutin na daw ang kuya Stan niya. Well he is... I already said my answer last night.
Speaking of Stan, siya na siguro ang dumating. Dali-dali akong lumabas ng bahay ng marinig ko ang busina ng kanyang sasakyan. Paglabas ko ng bahay ay siya ring pagbaba niya sa kanyang BMW.
"Good morning," bati niya sa'kin na ngiting-ngiti sabay abot ng bungkos ng bulaklak. Anak ng tibaklang, pakiramdam ko lumuwag ang panty ko sa ngiti niya.
"G-good morning, t-t-thanks." Kung isang Stanley Drew Mijares ba naman ang bubungad sa'yo ng ganito, di ka kaya mautal at kumerengkeng sa kaba.
"Pasok ka," iginaya ko siya sa loob ng bahay. Parang tinatambol ang aking dibdib sa kaba. Mula sa araw na ito ay hindi na normal ang lahat para sa'min. He's my boyfriend now, and the thought of it throbs my heart. Kinikilig ba ako?
Nilagay ko muna muna sa vase ang bulaklak at umupo sa tapat niya.
"You're so beautiful." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Wala na ba talaga 'tong naisip na sabihin kundi ang purihin ako?
"Ahm, ang aga mo yata. 9:30 pa naman ang recognition program nila Shawn ah," sabi ko na lang dahil naiilang ako sa mga titig niya na parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya.
"It's nothing, I can be an early bird if it's for you."
"Ah, eh-"
"Kuya!" Napalingon kami pareho kay Shawn na lumabas ng kwarto niya na bihis na bihis. Infairness ang gwapo ng kapatid ko, parang boy version ko siya.
"Hey buddy." Nakipag fist bump naman sa kanya ang makulit kong kapatid. Close na close talaga sila.
"Ang gwapo natin ngayon ah." Isa sa dahilan ng pagiging close nilang dalawa ay dahil kinokonsente ni Stan si Shawn. Pareho din silang gwapong-gwapo sa sarili. Mana daw kasi si Shawn sa kagwapuhan ni Stan, parang sila ngang magkapatid kung magturingan eh.
"Matagal na akong gwapo, kuya. Iyon nga lang lalo akong gumwapo ngayon." Napatawa naman kami ni Stan sa pagmamayabang ng kapatid ko.
"Kumain na nga lang tayo, hindi puro kayabangan ang pag-usapan niyo diyan. Mamaya maabutan pa tayo ng traffic."Natawa naman ang dalawa at tumalima naman pagkatapos kong sabihin yun.
"Well I guess, I'm just on time. I haven't eaten my breakfast yet," sabi ni Stan. Dahil pabilog ang di kalakihang mesa namin, napagitnaan ako ng dalawa. Bale sa left ko si Shawn at sa right side naman si Stan. Nagdasal muna kami bago kumain habang si Stan naman ay titig na titig sa'kin.
"The best ka talaga magluto ate, pwede ka ng mag-asawa." Bigla naman ako nabilaukan sa sinabi ni Shawn, napaubo ako ng malakas kaya lumabas ang butil ng kanin sa ilong ko. Ang sakit! Dali-dali naman ang akong inabutan ng tubig ni Stan at hinagud hagod ang likod ko habang pareho silang dalawa ni Shawn na nagpipigil ng tawa.
"Wag niyo na nang pigilan, baka kung saan pa lalabas yan." At dahil sa sinabi ko bigla naman silang humagalpak ng tawa. Hawak-hawak pa ng magaling kong kapatid ang kanyang tiyan habang tumatawa.
"Pffft! Hahahahaha." Silang dalawa. Tama ba namang magtawanan sa harap ng pagkain.
"Hindi ko alam na talented ka din pala, you could have seen your face ng lumabas ang kanin sa ilong mo. Pffft-" Aba't nagawa pa akong asarin ng mokong na to! Bawiin ko 'yong sinabi ko kagabi eh! Joke. Syempre sa isip ko lang 'yon.
"Anong bang masama sa sinabi ko ate, at nabilaukan ka?" Ang sarap talagang tirisin ng kapatid kong 'to.
"Ikaw bata ka, tapusin mo nga 'yang kinakain mo. Ang bata bata mo pa ang dami mong alam. Saan mo naman natutunan 'yon ha? Nag-aaral pa ang ate mo, wala pa sa isip ko yan." Pinanlakihan ko naman ng mata ang kapatid ko habang sinasabi ko yun. Ke bata bata pa, parang matanda kung mang-asar eh.
Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit muntik na naman akong mabilaukan nang magsalita si Shawn.
"Pffft- kuya, hindi pagkain si ate."
Nagsimula na namang uminit ang aking pisngi. Alam kong kanina pa siya titig na titig sa'kin. Ramdam ko iyon. Is he thinking about what I said last night?
"Blame your sister, she's so captivating and I can stare at her all day." Parang literal na naipon ang dugo sa aking pisngi. Ang landi ko!
"Ang dami niyo talagang nalalamang dalawa diyan, taposin niyo na nga ang pagkain niyo," I blurted out, trying to hide my uneasiness. Dapat na yata akong masanay na may boyfriend na ako.
Pagkatapos ng maingay naming almusal ay lumarga kami papuntang eskwelahan ni Shawn. Natutuwa akong makitang masaya ang kapatid ko. He seems to like Stan for me very much.
"Wala ka nang kawala..." I bit my lower lip to suppress my smile. He's holding my left hand while his other hand is on the steering wheel. Nasa backseat si Shaw at naglalaro sa cellphone ng kanyang kuya Stan.
I gave him a questioning look. Ngunit napaiwas ako ng tingin nang ngumisi siya. He's grinning like crazy!
"Wala nang bawian 'yon, Sham. Wala na..." he said.
Wala naman talaga akong balak na bawiin 'yon...