Chapter 1

1018 Words
"I love you and only you." "Hindi tayo bagay, mahirap lang ako. Wala akong maipagmamalaki." "I don't care about your social status. I only want you. Nakatatak na ang pangalan mo dito sa dibdib ko." "Please stop this already, Stan. Hindi tayo puwede. Magkabaliktad ang ating mundo. Langit ka at putikan ako. Para mo na ring sinabi na hintaying kong dumaong ang barko sa airport." "Kung ganoon gagawa ako ng dagat patungong airport para marating kita---" Gimme, gimme that love, I'll be waitin' for ya'...And catch my hand, I'll be fightin' for ya'...Let me in, yeah, let me get closer... Biglang bumalik sa realidad ang aking pag-iisip at parang literal na inuntog sa pader ang aking ulo nang tumunog ang cellphone ko. Stan calling... Natigilan ako nang makita ang pangalan ng lalaking kanina pa gumugulo sa aking utak. Atubiling pinindot ko ang answer button. "H-Hello?" "Hi, matutulog ka na?" Bumungad ang baritonong boses niya sa kabilang linya. Ipinikit ko ang aking mga mata habang kausap siya. "M-Matutulog na sana eh. Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog? Teka bakit parang maingay dyan?" Para kasing may naririnig akong tugtog sa kabilang linya. "Yeah, nandito kami sa bar, nagse-celebrate. Uuwi din kami mamaya-maya." "Ganun ba, sige ingat ka diyan ha? Nga pala Stan, congrats nga pala ulit," sabi ko habang humihikab. Kaka-graduate lang niya at nagpaalam siya kaninang lalabas siya kasama ang kanyang mga kaibigan. "Thanks. Mukhang inaantok ka na d'yan ah, matulog ka na kaya," suhestiyon niya. "Ah, eh. Ba't ka nga pala napatawag?" Tanong ko sa kanya. Stupid question! Obviously, he's checking on me. "Wala naman, I just want to hear your voice." Namula naman ako sa sinabi niya. Though I expect he would say something like that. "A-aah sige Stan, inaantok na ako eh." Gustuhin ko man siyang makausap nang medyo matagal pero inaantok na talaga ako. "Okay, magpahinga ka na. Mukhang pagod ka na talaga diyan eh." "Oo nga eh, a-attend pa ako ng recognition program ni Shawn bukas." May award kasi ang kapatid ko, hindi lang basta award dahil top one siya sa klase. "Okay, sasamahan kita bukas. Susunduin ko kayo diyan." "Naku wag na, nakakahiya naman sa'yo." "I insist, susunduin ko kayo diyan." Mukhang wala na talaga akong magagawa. "Okay, ikaw ang bahala. Sige matutulog na talaga ako." "Good night, Stan," Sabi ko na lang sa kanya. "Good night, Sham. I love you." Pinatay ko na lang ang tawag dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi pa ako handa. "Ate patulong naman dito oh." Napakamot sa ulo ang kapatid kong si Shawn na halatang nahihirapan sa pagplantsa ng damit na susuutin niya bukas sa recognition program nila. Grade five na siya at siya na lang ang natitirang pamilya ko mula nang mamatay pareho ang parents namin dahil sa sakit. "Wait lang ah, tatapusin ko lang tong mga nililigpit ko," sabi ko habang tinutupi ang damit na nilabhan ko kanina. Ulila na kami. Namatay ang parents namin three years ago. Unang namatay si Papa dahil sa cancer. Sobrang dinamdam ni Mama iyon at halos hindi na sya kumakain. Nalaman naming nagkasakit din pala si Mama sa puso dahilan para lalo siyang nanghina. Mga limang buwan pa lang noon nang mamatay si Papa nang mamatay din si Mama. Halos gumuho ang mundo ko nang mangyari yun pero kinailangan kong maging matatag para sa kapatid ko. Wala ring tumulong sa amin maliban sa kapit-bahay namin na si Aleng Nelia. Wala din kaming masyadong kilala na mga relatives namin dahil nasa malayong probinsya daw sila. Mula nang mamatay sina Mama at Papa, ako ang tumayong magulang sa kapatid ko. Naaawa ako sa kanya. Walong taon pa lang siya nang mamatay ang magulang namin at sixteen pa lang ako nun. Mabuti na lang may konting ipon na naiwan sila Mama. Iyon ang ginamit namin para magpatayo ng maliit na tyangge dito sa bahay namin. Scholar din ako sa pinapasukan kong university na malaking ipinapasalamat ko dahil maliban sa free ang tuition ko, may ibinibigay ding uniform at book allowance, at meron ding stipend na three thousand kada buwan. Sa awa ng Diyos, nasa third year na ko ngayon ng kurso kong Business Administration. "Ate, katukin mo lang ako dito sa kwarto pag tapos na kayo diyan ah." Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang sigaw ni Shawn sa kabilang kwarto. "Sandali, matatapos na ako," balik sigaw ko sa kanya. Nagpapasalamat ako at binigyan ako ng Diyos ng mabait at mapagmahal na kapatid. Di lang 'yon, masipag din siyang mag-aral tulad ko. Iyon nga lang mas talented siya kesa sa'kin. Tinapos ko na ang aking ginagawa at pinalantsa ang polo ni Shawn. 10 PM na rin pala ako nakatapos. Kahit nasa public school lang nag-aaral si Shawn, alam kong magaling siya. Parati rin siyang isinasali sa mga contest, magaling siyang mag-paint at sumayaw kaya proud ate ako sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit doble kayod ako. Maliban sa part time job ko sa isang restaurant ay bumebenta rin ako ng products galing sa isang direct selling company. Malaking tulong din 'yon sa'kin dahil may 25% commission ako sa kada isang libo na mabebenta ko. Karaniwang mga kasamahan ko sa trabaho ang mga regular customers ko, o di kaya ilan sa mga classmates ko na mababait at malalapit sa'kin. Bumuntong hininga ako nang masulyapan ang listahan ng mga babayarin sa ibabaw ng tokador. May mga pagkakataong ninais kong sumuko kung hindi lang dahil sa kapatid ko. Tumunog muli ang aking cellphone. Message alert tone sa pagkakataong ito. 1 message received. Binuksan ko ito at agad na tumalbog ang aking puso sa aking nabasa. Please let me be your shoulder, Sham. I want to take care of you. I want to be part of you. Mahal na mahal kita. Hayaan mo akong pumasok sa buhay mo. Good night. I love you so much... Ito na ba? Siya na nga ba ang kasagutan sa lahat ng panalangin ko? Should I take risk of my feelings? I don't know... But before I could even think twice, I found myself beeping a message back to him. I love you too, Stan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD