It's been a week since I had that melodramatic talk with Mommy Tamara. At hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang mga pinag-usapan namin. Para bang may mangyayaring hindi maganda. I shrugged. Masyado na yata akong nag-iisip ng kung anu-ano. Mahal namin ni Stan ang isa't isa. At naniniwala akong siya na talaga ang makakasama ko habang buhay. I can't even imagine myself committed to a man other than Stan. My Stan. I love him so much and I mean it when I made a promise to mommy Tamara that I'll never hurt him. Because doing so is like hurting myself too. "Shane Amethyst Cervantes!" Natigil ang pag-iingles ko sa aking utak nang biglang sinigaw ni Mylene ang buong pangalan ko. Kinunutan ko siya ng noo at naiiritang umupo ng maayos. "Bakit?" "Anong bakit? Pambihira! Kanina