"Oh my God! Are you okay iha?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa kanya. "Aw, Tan-tan ang sakit!" maarteng sabi niya kay Stan. "Kaya mo bang tumayo?" "I-I can't. It hurts!" Alam kong nag-iinarte lang siya. Hindi kasi halata sa mga mata niyang nasaktan siya. Walang anu-anong binuhat siya ni Stan papasok sa mansyon. Akala ko sa mga pocketbooks lang nangyayari at nag eexist ang mga kontrabida pero totoo din pala sila in real life. Napatawa nalang ako sa mga naiisip ko. Hay Andrea, gasgas na yang style mo, sa isip ko. Sinundan nalang namin sila ni mommy sa loob ng mansyon. "Ang mabuti pa magpahatid ka nalang kay Stan iha, at magpatingin ka na rin sa doktor baka napilayan ka na niyan." Ani mommy. "Mom, I can't. I'll just call Tita Jenny so she can send someone to fetch her here," pagtanggi n