NAGHANDA siya ng meryenda dahil ngayon ang unang araw nang pag tuturo sakaniya ni krelton.
Kailangan niyang mag pa good points dito kasi nga galit ito sakaniya, tsaka pasasalamat na din niya na hindi nito sinabi sa kuya at magulang niya ang nangyari sa party.
Narinig niya ang pagpasok ng kotse kaya mabilis niyang inayos ang sarili niya.
"Madam andito na po si sir. Krelton" sambit sakaniya ng kanilang kasambahay, tumango naman siya dito.
Nakasuot siya ng shorts at sando tapos pinatungan niya ng apron dahil nga nagluto siya ng meryenda,
Napalingon siya ng marinig ang pag bukas ng pinto. Sinalubong niya ito ng ngiti, pero wala man lang reaksyon ito.
Hindi man lang chineck ang kanyang sexy outfit! Hmmp.
" hi! " bati niya dito " kumain ka na ba? Nagluto ako-- "
" let's start " napairap nalang siya sa sinabi nito di man lang siya pinatapos mag salita.
" doon tayo sa kwarto " yun nalang ang sinabi niya at siya na ang naunang umakyat. Ayaw niya sanang ma badtrip kaso bina badtrip nanaman siya nito.
Bakit ba ang sungit sungit nito pag dating sakaniya?!
Pagkapasok niya ng kwarto dumapa siya sa kama at inopen ang laptop. Napabuga naman siya ng hangin ng kumatok pa ito.
Tumayo siya at pinagbuksan ang binata.
" hindi mo na kailangan kumatok, pumasok ka nalang " medyo pag tataray niya dito.
Bumalik ulit siya sa pag kakadapa at inasikaso ang laptop niya.
Nilingon naman niya ito at nakaupo na to sa may couch at nakapatong na ang laptop at mga prints sa glass table niya.
Umikot naman siya para mapahiga at pagmasdan ito, sinuot nito ang salamin. Kahit meron o walang salamin napakagwapo talaga nito.
Nakakabwisit nga lang dahil ang sungit ng binata sakaniya.
Tinanggal niya ang apron niya ng ma realize na suot suot parin niya pala.
Tumayo siya at nilapitan ito,
" so sir, san tayo mag s-start? " panunukso niya dito,
Tignan lang natin kung di mo pa ako mapansin....
" here, read this " inabutan siya nito ng handouts
" yun lang? Babasahin ko lang? "
" yes marunong ka mag basa diba? " napaawang nalang ang bibig niya dahil sa pag susungit nito.
Kinalma niya ang sarili.
Pinipilit niya itong wag awayin dahil kailangan niya ngang ma seduce to, pero yung dalawang buwan ata ay kulang para sa lalaking to!
" okay... babasahin ko na sir " malambing ang tono niya, medyo umusog pa siya dito para dumikit.
" don't call me sir " tumaas naman ang kilay nito, hindi parin siya tinitignan.
Binaba niya ang handout at lumapit dito ng husto.
" hmm. Anong gusto mo? Baby? " nakagat niya ang labi niya ng lumingon ito sakaniya.
" stop this s**t, ivy. I'm here to teach you and not to play games with you " nagkibit balikat nman siya dito.
" di din naman ako nakikipag laro, im serious sir " napaatras siya sa gulat ng lumapit ito sakaniya
" are you sure about that? " napalunok siya ng mapagtanto na nakakulong na siya sa dalawang braso nito, halos nakahiga na siya sa sofa at ito naman ay sobrang lapit.
"Uhmm.." hindi na niya alam ang sasabihin niya, para bang naging blanko ang utak niya, at may kung ano anong kumikilit sa tiyan niya.
" you can't play games with me, baby " nag init ang pisngi niya dahil sa narinig. Hindi siya bingi para hindi marinig ang tinawag nito sakaniya.
Napaayos siya ng upo ng mapagtanto na hindi na ito malapit sakaniya. My god! Nakakahiya ang inasta niya, siya itong nangunguna pero nang sinabayan siya nito natameme na siya.
Tahimik niyang kinuha ang handouts at binasa iyon, hindi niya nga alam kung pumasok ba lahat sa utak niya ang pinagbabasa niya dahil hindi mawala sa isip niya si krelton.
Pasimple niya itong sinilip at nakita niyang busy ito sa cellphone.
" tapos ko nang basahin " sambit niya dito, binaba naman nito ang phone.
" do you have question? "
" yes " mabilis na sagot niya " may girlfriend ka na ba? " lakas loob na tanong niya. She needs to do it! The bet, remember?
Tinignan siya nito ng seryoso
" im asking about the lessons " napaka gwapo nito magalit! Tinitigan niya lang ito.
" wala akong tanong, alam ko na yan " saad niya.
" then you dont have a question " kinuha nito ang
" meron nga diba! Yun yon " pangungulit niya dito. Nakita niya ang paghawak nito sa sintido, parang na stress na sakaniya.
" wala.. i don't have time for that, answer this" napanguso naman siya ng bigyan siya nito ng quiz
" pero nagkaron ka na ng girlfriend? " tanong niya pa ulit
" just answer that-- "
" sasagutan ko to! Sagutin mo nalang ang tanong ko sir " sambit niya
" yes " napangiti siya dahil sinagot nito ang tanong niya.
" okay " tinuon nalang niya ang pansin sa quiz niya. Mayamaya nag lecture din ito sakaniya, medyo naintindihan niya naman pero yung mukha kasi nito nakaka distract! Napakagwapo.
" that's all, i will send the other handout to your sss " tumango naman siya dito.
sinundan niya ito ng tingin ng tumayo ito. Napatayo na din siya.
" uuwi ka na? " tanong niya dito
" yes "
" wag muna, movie marathon tayo " Pangungulit niya dito. Well wala din naman siyang gagawin ngayon dahil may mga lakad ang mga kaibigan niya.
" im done with my work, so i need to go now " napanguso naman siya.
" hindi ba pwedeng mag stay ka muna? Wala kong kasama dito, wala sila mommy at daddy tapos wala yung mga kaibigan ko " paliwanag niya dito
" no.. i will go now " napabuntong hininga nalang siya, hindi na niya ito pinigilan.
Mukhang mahihirapan talaga siya mapaamo ito.
Nag ring naman ang cellphone niya at agad na sinagot ng makita na si yessha ang tumatawag.
"Oh?"
" pwede bang makipag date ka sa pinsan ko? Isang date lang! Crush na crush ka kasi non diba, pagbiyan mo naman"
" date?! Kelan? " tanong niya dito, napahinto siya ng tumama siya sa matigas na bagay,
Hindi niya pala napansin na huminto ng lakad si krelton
"Ngayon.. please please? Wala ka namang lakad ngayon diba?"
" oo wala akong gala dahil sainyo! Mga busy nanaman kayo " kunwaring galit na sambit niya dito narinig naman niya ang pagtawa nito.
" then are you game? Date with my cousin? Ngayong gabi lang at isang date lang promise! "
" isang date lang ha? Anong oras ba ngayong gabi? " tanong niya
" 7pm, baka tawagan ka niya later. Bye mwapss"
" okay. " Napabaling siya ng tingin ng makitang nakaharap na sakaniya si krelton
" ingat " yun nalang ang nasabi niya, pero hindi parin ito umaalis sa harapan niya.
" bakit-- "
" im hungry " napangiti naman siya sa loob loob ng magsalita ito.
" wait! Ano bang gusto mo? Mag papaluto ako kay manang-- "
" i want you to cook for me " sambit nito habang nakatingin sakaniya, napatingin naman siya sa oras 5pm na at mag aayos pa siya.
" uhm.. sige ano bang gusto mong kainin? " tanong niya dito, bagong grocery naman at marami silang stock ng pagkain.
" nilagang baboy " nanlaki ang mata niya. matagal kasi lutuin yon dahil maghihiwa pa ng mga gulay at halos dalawang oras niya pakuluan ang baboy para lumambot.
" pwede bang steak nalang? Dalawang oras pa yun bago maluto " sambit niya
" its okay, while we're waiting we will watch a movie " napa 'huh' naman siya at sinundang ang tingin dito, nilapag nito ang gamit sa sofa at umupo.
"I'll wait " sambit ulit nito, napabuga nalang siya ng hangin at mabilis na tinext si yessha at sinabi niya ang totoong dahilan.
From yessha:
Goodluck! Remember the bet girl. Next time nalang ang pinsan ko. bwahahaah
Ps: gumamit ng protection
Napailing nalang siya sa kakulitan nito. Mukhang magiging mahaba ang gabi niya. Sumilay ang ngiti sa labi niya at nag umpisa na siyang magluto.