ILANG araw na ang nakalipas at wala paring progress sakanila ni krelton, mababaliw na siya halos isang buwan na pero wala parin!
masyado talagang mahirap paamuhin, medyo naging mabait naman ito sakaniya, pero minsan lang. hindi niya parin ito nasisilayan ngumiti sakaniya.
sabado ngayon at wala siyang tutor ngayon kay krelton, napag isipan niyang mag shopping mag-isa at mag grocery na rin. sumakay siya sa kotse niya at tumungo sa pinaka malapit na mall.
pinusod niya ang buhok niya at sinuot ang shades bago lumabas ng kotse, napakainit kasi ng panahon.
dumeretso siya sa loob ng mall, mag sho shopping muna siya bago mag grocery, hindi naman siya laging nag g-grocery dahil may gumagawa non pero meron kasi siyang mini fridge sa loob ng kwarto at mini pantry na lagayan ng gusto niyang pagkain dahil mahilig siya mag movie marathon.
pumasok siya sa h&m at tumingin ng mga damit, bumili naman siya ng mga shorts and sleeveless pati narin croptop na magustuhan niya. ng matapos na siya makapili nagbayad na siya at dumeretso naman siya sa ibang store.
pumunta siya sa isang men store, bukod sa fitted and croptop na damit mahilig din siya sa oversized and most of her shirts are from men store, puro panlalaki or unisex na shirt minsan nga inaagaw niya pa ang tshirt ng kuya niya pag may nagustuhan siya.
napukaw ang atensyon niya sa black shirt na may naka sulat na 'DAMN' malaki iyon para sakaniya kaya mas nagustuhan niya inabot naman niya ito dahil bibilhin niya.
"Excuse me miss, last piece na ba to? " tanong niya sa staff dahil isa nalang ang nandon, gusto niya sana yung bagong stock hindi yung nakasampay.
" yes ma'am " tumango nalang siya, well she doesn't have a choice, chineck niya muna ng maigi ang tshirt, buti nalang walang stain or damage.
nagtingin tingin pa siya kung may magugustuhan pa siya. umatras siya ng bahagya ng may maramdaman siyang matigas na bagay, nabangga pa siya.
" sorr-- krelton? " tumingin ito sakaniya at sa bitbit niya na damit "andito ka pala" nakangiting sambit niya dito, napatingin naman siya sa isang babae na lumapit dito
" nakapili ka na? " tanong ng babae kay krelton, pinagmasdan niya ito mas maliit ito kesa sakaniya, maputi din at simple manamit.
may girlfriend na siya?
" uh kilala mo? " baling ng babae sakaniya ng mapansin na siya. she almost rolled her eyes, ano te tanga tangahan lang? ugh.
" yes, she's my student " student? yun lang? hindi man lang kahit friend?
" ohh, okay, let's go na? " she's a girl and she know's that this girl doesn't like her. the feelings is mutual bitchy. mukha itong simple at inosente pero hindi niya alam kung bakit masama ang dugo niya dito.
napatikhim naman siya at confident na tinignan sila.
" uh bye? i have to go na rin, ma le late nako sa date ko, see you on monday sir " mabilis siyang tumalikod at pumunta sa cashier para bayaran ang binili niyang shirt. gusto niyang kaltukan ang sarili niya dahil gumawa gawa siya ng kwento, first of all wala siyang date, second! sinabi niya na kay krelton na gusto niya ito!
she's impulsive, masungit kasi ito lagi sakaniya at sinabi niya ditong gusto niya ito. she need's to do that.. walang progress ang pag seseduce niya dito!
she can't loose the house...
mabilis siyang lumabas ng store at nawalan na ng gana mag shopping pa, dumeretso nalang siya sa supermarket para mag grocery ng foods niya.
dumeretso siya sa dairy products at kumuha ng fresh milk, chuckie and soya milk and yogurts, medyo niramihan niya na din dahil hindi siya madamot sa pagkain, kung anong kinakain niya meron din ang mga kasambahay nila, ganun siya mag pa salamat hindi man siya masyadong expressive, she know how to thank people around her.
" ivy? " agad siyang napalingon ng marinig ang pangalan niya, umawang ang labi niya ng makita kung sino ito. hindi na siya nakapag salita at mabilis na tumakbo at niyakap ito.
" kulog! ugh, i miss you " niyakap niya ito ng mahigpit, narinig niya ang mahinang pag tawa nito.
thunder a.k.a kulog for her, tinagalog niya lang ang pangalan nito at siyempre close na close sila since bata pa sila kaya pumayag ito na tawagin siya nito.
bahagya siyang humiwalay dito para makita ang mukha, mas lalo itong gumwapo, it's been 2 years since lumipad ito patungong new zealand para samahan ang mommy nito, because his dad passed away.
" i miss you too, babs " napanguso siya ng maalala ang tawag nito sakaniya, noong bata kasi siya chubby siya at napaka lusog ng pisngi niya.
" hays, that nickname! " kunwaring galit niya na sabi, napaawang naman ang labi niya ng kurutin siya nito sa pisngi.
" aww-- ansakit non! tsaka hindi na ako mataba no, nakikita mo naman "
" yeah you're sexy, but you will always be my babs " napangiti naman siya dito, ito ang pinaka close niya na guy friend.
"hmmp. you didn't text me that you will be here, kelan ka pa umuwi? and where's tita storm? " tinulak niya ulit ang cart niya kasabay ni thunder. hindi naman kasi pwedeng tumambay sila magdamag sa isang pwesto madaming nag g-grocery.
" she's in new zealand, she's okay now. i'm just here because of work " napatango naman siya dito, thunder is a model madalas talaga ito sa iba ibang bansa lalo na in demand ang kagwapuhan niya. hahahah
" actually, i was planning to surprise you tomorrow pero hindi ko alam na makakasalubong kita dito, i'm here so i can buy some ingridients for tomorrow, ipagluluto kita " nagningning naman ang mata niya, thunder is good at cooking. super duper galing! hindi na siya magugulat kung isang araw may sarili na itong restaurant at may certificate na na chef ito.
" okay okay, got it hindi na ako magtatampo sayo basta you need to cook for me, tomorrow! " pinal na sambit niya dito.
pinagpatuloy niya ang pag g-grocery kasama si thunder at pagkatapos dumeretso sila sa isang restaurant para kumain, nagutom na kasi siya kakadaldal at kakalakad.
tinignan niya ang menu tsaka umorder ng gusto niya.
" pesto, cordon bleu and coke zero for me " saad niya habang pinapasadahan parin ang tingin sa menu
" shrimp, salad, pesto and water " dagdag naman ni thunder sa order niya, ng makuha na ang order nila binaba niya na ang menu.
nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam muna siya kay thunder na pupunta sa cr.
nang makapasok siya sa cr ginawa niya na ang dapat gawin, habang nasa loob siya ng cubicle narinig niya ang pag sara ng pinto at pag click ng lock, medyo kinabahan pa siya dahil baka may multo sa cr.
mabilis siyang lumabas ng cubicle and to her surprised hindi multo ang nag lock ng pinto,
" dating someone after you told me that you like me? " naestatwa siya ng makita si krelton ito, his jaw clenched and she feel the dark aura around him.
i think he's mad..
very very mad?
but wait..
" i like you, that's true " tumikhim siya at dumeretso sa sink para mag hugas " tsaka hindi lang naman ikaw ang pwedeng makipag date no, i mean.. i don't have a boyfriend "
" what's with you and your attitude? "
" what? wala akong ginagawang masama " she defended herself, kahit na nanginginig ang tuhod niya dahil sa presensya nito. these days her heart is not okay, lalo na pag kasama niya ito pakiramdam niya lagi siyang kabado dahil sa bilis ng t***k ng puso niya.
napaatras siya ng lumapit ito sakaniya, now nakasandal na siya sa may sink, leaving no space between her and krelton, nakakulong na siya sa dalawang braso nito.
" i hate you.. " she felt a pang on her chest, is she hurt?
" but what did you do to me? i tried to focus on something, to stop thinking of you.. " biglang bumilis ang t***k ng puso niya, kinakabahan na naman ba siya? oh shocks,
" krelton.. " she mumbled..
" but why i can't stop thinking about you?" nanigas ang buong katawan niya ng maramdaman ang malambot na bagay na dumikit sa labi niya..