PART 2

1597 Words
JAROH'S POV.... . . . "What?! Seryoso ka ba?" Tumango ako bilang tugon kay Edz. At ang mukha namin ay parang lumaklak ng isang galong datu puti na suka sa sobrang asim. Mas malala nga lang ang pagkakangiwi ni Edz dahil sa sinabi ko. Sobrang nagulat siya which is inasahan ko naman na. Ngayon ko lang kasi nasabi sa kanya ang lihim na pagtingin sa kanya ni Sue. Kailangan ko kasing panindigan ang pangako ko kay Sue na selfie at dapat na maging friend din sila ni Edz. "Oh, come on. Don't make fun of me, dude." He pushed aside his Espresso and leaned back as he folded his hands over his chest in a manly way. Tinitigan niya ako nang masama. Buti na lamang at lumapit ang crew sa amin dala ang take out na order ko kaya nagkaroon ng time para kumalma siya. Nandito kasi kami ni Edz sa isang sikat na coffee shop at nagpapalipas ng oras. At naisip ko na bilhan din si Sue ng paborito niyang Strawberry And Cream Frappuccino. Idadaan ko sa klase niya bago ako umuwi. "I kid you not, dude, kaya sana pakisamahan mo nang maayos si Sue oras na ipakilala ko siya sa'yo," sabi ko. Ginawa kong sobrang seryoso ang mukha at boses ko para maniwala siya. Ang pinapakiusap ko kasi kay Edz ay ang kaibiganin niya si Sue talaga hindi lang about sa sefie. "Pero napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon na hindi ako makikipagkaibigan sa kanya para walang gulo, at para hindi siya lalo magka-crush sa akin." Alam na ni Edz noon pa na crush siya ni Sue. Noon ko pa nasabi sa kanya. At dahil kahit kailan ay hindi magkakagusto si Edz kay Sue ay sinabi ko na iwasan niya si Sue sa abot ng kanyang makakaya para hindi masaktan ang aking kaibigan. Sinabi ko na delikado na masaktan si Sue. Baka ikamatay niya dahil sa sakit niya sa puso. "I know, pero kasi kagabi ay sobra iyong selos niya sa atin nang nalaman niyang close tayo. Natakot ako sa puwedeng mangyari sa kanya. Pagbigyan mo na lang. Kaibigan mo rin siya pero iparamdam mo na hanggang friends lang kayo o parang kapatid lang ang puwede mong ibigay sa kanya," pakiusap ko. Napag-isip-isip ko kagabi na puwede iyon pala. Baka nga mas mainam iyon dahil kapag nalaman ni Sue na hindi sila puwedeng maging magkaibigan ni Edz ay mawawala na ang labis na pagka-crush niya kay Edz. Hindi na ako mag-aalala kapag gano'n. Natampal ni Edz ang sariling noo. Para na siyang binagsakan ng langit at lupa sa stress. "Bakit sa'kin pa siya nagka-crush kasi? Mamaya niyan ako ang maging kasalanan ng pagkadedo niya, eh." "Don't say that," saway ko sa kanya kasi kinilabutan ako. Mahal na mahal ko si Sue kaya kahit sa hinagap ay hindi ko naisip na mawawala si Sue. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Higit sa kapatid na ang turing ko sa babaeng iyon. Parang kakambal ko na iyon sa buhay ko. Kapag mawala siya ay hindi ko kakayanin. Kasama ko na siya sa paglaki kaya sisiguraduhin ko na kasama ko rin siya sa pagtanda. "Sorry, pero kasi natatakot ako, dude. What if mas lalo niyang ma-misinterpret ang pakikipag-close ko sa kanya." Wala pa man ay kababakasan na ng guilt ang mukha ni Edz. Napabuntong-hininga lang naman ako. Natatakot din ako, pero mas lalong magagalit at magseselos lang si Sue kapag hindi ko tinupad ang pangako ko. Masama kay Sue ang laging galit. Nakaka-treaten iyon sa kanyang Arrhythmia. "At saka paano tayo?" Edz leaned forward and held my hand dearly. Lumungkot ang kanyang mukha. "Syempre kung kakaibiganin ko si Sue ay mahahati pa ang time ko para sa'yo at sa kanya." Nginitian ko ang naglalambing kong boyfriend. Yeah, boyfriend ko si Edz dahil belong kami sa LGBTQI+. We're both gay. At four months na kami na magkarelasyon pero tago lamang. Natatakot pa rin kasi ako na lumabas sa aking closet, hindi pa ako ready. Si Edz ang ready na at wala nang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Nga lang ay nadadamay sa akin kaya hindi rin siya nag-a-out pa. Dapat ay sabay raw kami. Dahil kay Edz ay napatunayan ko kung ano talaga ako. Nag-umpisa ang lahat nang naging magbarkada kami ni Edz, noong napasali ako basketball team ng Sanchi University. Doon ko unang naging kaibigan ko si Edz na akala ko talaga ay straight. Sa totoo lang, sumali ako sa basketball team na iyon para sana mas maging lalaki ako. Nainis kasi ako sa sarili ko dahil patuloy ang paghanga ko kay Junaid, ang bago naming classmate. That time ay natakot ako na dumating ang time na hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayaw kong mapahiya sa buong campus kapag kumalat na isa akong bakla, lalo't hindi pa ako ready. Takot pa ako na baka hindi ako matanggap. Kahit nga kay Sue ay hindi ko pa maamin dahil baka pati siya ay ikahiya rin niya ako oras na malaman niyang bakla ako, o kaya ay ikamatay niya dahil sobrang magugulat siya. Noong una kasi ay indenial pa ako sa totoo kung pagkatao, kahit na bata pa lang ako ay nagdududa na ako sa sarili ko. Ang mga laruan at damit noon ni Sue ay lihim kong kinaiinggitan. Feeling ko nga kaya naging best friend ko si Sue ay para may kalaro akong babae at malaro ang mga laruan niya na hindi mahahalatang bakla ako, para hindi ako pagalitan ni Dad. Hindi ko makakalimutan 'yung araw na iniuwi ko ang isang manika na binili ko sa school. Galit na galit si Dad sa akin. Buti at naidahilan ko si Sue. Nga lang ang 'di ko inasahan ay sa basketball team na sinalihan ko pa makikilala ang lalaking magpapalala sa sitwasyon ko, na si Edz nga. Gawa na lagi kaming magkasama ni Edz sa nga practice ay napalapit kami nang husto sa isa't isa. Hanggang sa namalayan ko na lang na ang paghanga ko kay Deo ay nalipat na kay Edz. Agad na minahal ko si Edz. Sinubukan ko rin na iwasan si Edz noon. Umalis ako sa basketball team namin. Subalit isang araw ay bigla na lang siyang dumating sa bahay at lasing. Umamin siya na bakla rin daw siya at mahal ako. Sa isang iglap naging kami ni Edz at bumalik kami parehas sa basketball team. "Okay lang sa akin, basta para sa kaibigan ko," tugon ko kay Edz na sobrang sensero pagkatapos ko siyang titigan nang matagal. "Pwes, hindi okay sa'kin, dude. Ang mabuti pa siguro ay sabihin mo na sa kanya ang totoo. Ayaw kung kumuha ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko." "Alam mo na hindi puwede ang sinasabi mo," mahinahon kong sabi. Ayaw kong gatungan ang inis ni Edz. "Dahil na naman sa sakit niya? Ay, ewan ko sa'yo!" Muling napasandal si Edz sa kanyang kinauupuan. Humalukipkip. Mas galit na siya. "Naipaliwanag ko naman na sa'yo, 'di ba? Bawal masaktan si Sue." Sinenyasan na niya ang crew for the bill. Hudyat na ayaw na niya ang usapan namin. "So, anong gusto mong mangyari ngayon? Ako naman ang masasaktan? Bakit ang feeling ko ay pinu-push mo ako sa kanya?" "Hindi totoo 'yan." Napasandal na rin ako sa aking upuan. May sasabihin pa sana ako  pero lumapit na kasi ang crew na sinenyasan niya. Nanahimik na rin ako. Iniabot ng crew ang bill kay Edz tapos ay ngumiti sa akin. Halatang nagpapa-cute sa akin. Hindi ko siya masisisi dahil ang akala siguro ay purong lalaki ako. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang gay ako. Kami ni Edz ay mga bakla na mukhang lalaki dahil mga damit ay panglalaki pa rin, kilos lalaki din kami. "Nginitian mo kasi," nakaingos na wika sa akin ni Edz nang umalis na ang crew. Nagselos. "Hayaan mo na," sabi ko lang. Inirapan pa rin ako ni Edz. Mas masama ang tingin nito dahil may halo nang selos. Pasalamat ko talaga at nawala na iyong selos niya kay Sue. Dati kasi ay nagseselos din si Edz kay Sue. Inakala na bisexual ako. Buti at napatunayan ko na kaibigan lang ang turing ko kay Sue. "So, payag ka na sa request ko? Don't worry, mabait si Sue. Masaya siyang kaibigan," tanong ko na lang para mawala ang atensyon niya sa kawawang crew. Malamang ay ilang ulit nang sinabunutan ito ni Edz sa imagination. "Seryoso ka ba talaga?" Mabilis akong tumango. Wala namang masama kasi sa hinihiling ko. Mabuti nga iyon para dalawa na kami ni Edz na pruprutekta kay Sue kung saka-sakali na maging close rin sila. Tatlo na kaming magkakaibigan. Saka ko na lang ulit proproblemahin kung paano ipagtatapat kay Sue ang totoong status namin ni Edz. "Naririnig mo ba 'yang sarili mo?! Myghad, dude!" "Kaya mo naman, 'di ba? Saka alam naman lahat ng tao na lalaki tayo, eh." "No!" "Please, dude?" I begged. Hindi ako magsasawa na makiusap sa kanya. "I said no!" nga lang ay parang disidido na siya na sagot. Mukhang ayaw nga talaga. "Paano si Sue?" Namublema na talaga ako. "Simple lang, tell her the truth para tigilan na niya ang pagkagusto niya sa akin." "Hindi nga puwede." Ayaw kong magpatalo na giit ko. "Ayokong masaktan ang kaibigan ko. Ayoko na dahil sa kabaklaan ko lamang ang ikakamatay niya. Ang tagal ko siyang iningatan, inalagaan at prinutektahan." "So, anong balak mo? Alagaan siya forever? Hindi mo siya responsibilidad, dude! She's just a friend! Huwag mo siyang ituring na kapatid o parang anak para magkaganyan ka!" Halos umusok na ang ilong ni Edz. Natameme ako........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD