2

1014 Words
"Boss? Magkakilala po kayo?" tanong ni Kyle. Nakatitig lamang si Shayne kay John at naghihintay ng sasabihin nito. Bigla siyang binalot ng kaba. Tumingin si John kay Kyle. "H- Hindi... hindi ko siya kilala. May kamukha lang. Halina kayo," aniya sabay talikod. Kumurap ng ilang beses si Shayne. Tila kay sakit sa kaniya na itinanggi ni John na kilala siya nito. Parang may kung anong tumusok sa kaniyang dibdib. At naalala niya kung bakit iyon nasabi ng binata. At dahil iyon sa ginawa niyang pag- iwan kay John noon. "Ang guwapo talaga ni Winston! Pangalan pa lang, yummy na!" kumikisay- kisay na sabi ni Trish. "W- Winston? Iyon ba ang pangalan niya?" nauutal na sabi ni Shayne. "Opo. John Winston. Nakalimutan ko ang apelyido, ma'am eh." "Akala namin magkakilala na kayo! Hindi pala. Sabagay, bata pa iyang si Winston eh. Kasing edad lang natin," dagdag pang sabi ni Tina. Bumuntong hininga si Shyane bago pumasok sa kaniyang store. Nawalan siya bigla ng gana. Tila bigla siyang nanghina. Bumalik bigla ang alaala ng nagdaan. Ang sandaling nagpainit sa katawan nilang sabik sa init. "Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Trish kay Shayne. Peke siyang ngumiti. "Oo.. ayos lang ako," aniya bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Matapos niyang makuwenta ang lahat ng kanilang kinita sa buong araw, iniligpit na niya ang mga dala niya. Nagpaiwan na siya sa store na iyon dahil parang nawalan siya ng ganang magmaneho. Kaya naman makalipas ang ilang minuto, doon lang niya naisipang isara ng tuluyan ang kaniyang store. "Ahhh!" gulay na sigaw niya nang sumulpot sa kaniyang harapan si John. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso at hinahabol niya ang kaniyang hininga dahil sa labis na pagkagulat. Ngunit mas lalo yata siyang kakapusin ngayong nasa harapan na niya si John. "A- Anong g- ginagawa m- mo dito?" nauutal niyang tanong sabay lunok ng kaniyang laway. Matalim ang tingin sa kaniya ni John. "Bakit mo ako iniwan noon? Bakit umalis ka na lang ng walang pasabi?" Napalunok ng laway si Shayne. Ramdam niya ang galit sa boses ni John. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito kaya naman binalak niyang pumasok na sa kaniyang sasakyan ngunit napigilan siya ni John. "Aalis ka na naman? Talagang wala kang balak na sagutin ang mga tanong ko sa iyo?" galit nitong sabi. "Aray!" napangiwi si Shayne nang basta na lang siya isinandal ni John sa kaniyang sasakyan. Kahit madilim na, nakikita niya pa rin ang galit na mukha ni John sa tulong ng liwanag mula sa poste na iyon. Napalunok siya nang laway nang madako ang paningin niya sa mapulang labi ng binata. Mas lalong gumwapo si John. Nagmukha itong matured na kahit alam niyang nasa bente dos anyos pa lang ito. "John... wala naman tayong relasyon noon, 'di ba? Oo may nangyari sa atin. At mali ko iyon dahil ako ang unang nagpakita ng motibo sa iyo. Ayos lang naman sa akin kahit isipan mo ako ng kung ano. Kung pag- isipan mo ako na isa akong malandi dahil totoo naman iyon. At kaya kita iniwan dahil hindi naman puwedeng maging tayo. Masyado ka pang bata. Ilang taon ang tanda ko sa iyo? Lima? Anim? Ate mo na ako. At isa pa, marami na ring lalaki ang dumaan sa buhay ko. Hindi na ako malinis. Masyado na akong madumi para sa iyo...." naluluhang sabi ni Shayne. "At bakit naman kita pag- iisipan ng malandi? At paano mo naman nasabing madumi ka? Porke ba marami ng lalaking dumating sa buhay mo? Pero kapag lalaki ang maraming babae, ayos lang? Huwag mong babaan ang tingin sa sarili mo! Hindi doon nasusukat ang pagkatao ng isang babae. Hindi ka maduming babae, Shayne!" sigaw sa kaniya John. Tuluyan nang napaiyak si Shayne. Hindi niya akalain na may isang tao pa lang hindi siya huhusgahan. Na kahit ang tingin sa kaniya ng iba ay makating babae, pero hindi ganoon si John sa kaniya. Wala na siyang lalaking pinapasok sa buhay niya simula nang iwan niya si John. Dahil gusto na niyang magbago. "John... ayokong masira ang buhay mo nang dahil sa akin...." Asar na tumawa si John. "Masisira? At bakit naman masisira ang buhay ko sa iyo?" Yumuko si Shayne. "Hindi tayo puwede. Masyado na akong matanda para sa iyo. At isa pa, hindi ka ba nandidiri sa akin? Marami ng lalaki ang nakagalaw sa akin. Mas mainam pa rin na ang babaeng makarelasyon mo ay kasing edad mo lang at iyong bang hindi katulad ko na maraming lalaki na dumaan sa akin." Inis na kumamot si John sa kaniyang ulo. "Ang kulit mo! Matapos mong guluhin ang mundo ko, basta mo na lang ako iiwan? Matapos mo akong paibigin, iiwan mo na lang ako? Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin pero isa lang ang alam ko! Ikaw ang laman ng puso at isipan ko kahit na iniwan mo pa ako! At hindi ko alam kung bakit hindi kita nagawang kalimutan kahit na wala naman tayong relasyon noon!" Napaawang ang bibig ni Shayne. Hindi niya akalain ng dahil sa pangyayaring iyon, nagawa niyang sungkitin ang puso ng binata. Kahit siya rin naman, mahal niya si John. Sadyang ayaw niya lang mahusgahan ito ng ibang tao. Alam naman kasi niyang isyu para sa ibang tao kapag mas matanda ang babae kaysa sa lalaki. "Maraming salamat, John dahil tanggap mo kung sino ako pero ayokong magkaroon tayo ng relasyon. At isa pa, focus na muna ako sa negosyo ko ngayon. Please... hayaan mo na ako. Doon ka na lang sa babaeng kasing edad mo. Please lang...." Inis na hinampas ni John ang kaniyang sasakyan kaya naman nagulat si Shayne. "Wala akong pakialam kung mas matanda ka pa sa akin. Minsan mo na akong iniwan noon. At ngayong nagkita na ulit tayo, humanda ka sa parusang ako lang ang may karapatang gumawa sa iyo. Patitirikin ko ang mata mo sa kama hanggang sa kapusin ka ng hininga..." Matapos sabihin iyon ni John, siniil niya ng halik si Shayne bago ito hinapit sa baywang. Wala namang nagawa si Shayne kun'di tumugon sa mainit na halik ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD