"Wow! Mukhang maganda ang gising ng boss namin ngayon, ah! Anong mayroon? Nagkaayos na po ba kayo ng babaeng mahal niyo?" tanong ni Kyle matapos makitang may ngiti sa labi si John.
"Mukhang nagkaayos na nga! Iba ang ngiti ng boss natin!" sabay pa ni Rey.
Natatawang nagtimpla ng kape si John. Papunta pa lang sila sa palengke.
"Hindi pa. Pero medyo okay na kami. Hindi ko pa masasabing nagkaayos na. Kasi may kailangan pa kaming linawin sa isa't isa eh. Alam niyo iyon? Iyong hindi pa namin nasasabi sa isa't isa ang dapat naming sabihin. May kulang pa. Para tuluyan ng magkaayos kaming dalawa..." pahayag ni John bago humigop ng kape.
Tumango - tango naman ang dalawa. "Ah okay... magulo pa nga. Pero at least, nagkaayos na rin kahit papaano. Kaysa naman sa wala talagang pagbabago ang pakikitungo niyo sa isa't isa. Iyon bang may nararamdaman kayo para sa isa't isa pero hindi niyo magawang sabihin dahil magulo pa..." sabi naman ni Kyle.
"May mga ganoon talagang sitwasyon pero naniniwala ako na maaayos iyan ni boss..." sabat naman ni Rey.
Huminga ng malalim si John bago tumingin sa kawalan. Sa isip niya, sana nga tuluyan na silang magkaayos ni Shayne. Gusto na kasi niyang sabihin sa maraming tao na mahal na mahal niya si Shayne. Proud niyang ipapakilala ang dalaga kapag naging nobya niya ito. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta ang mahalaga, mahal niya si Shayne.
Ganado siyang kumilos sa palengke. Tila nga hindi siya napapagod. Tumakbo kasi sa kaniyang isipan ang dalaga. Lalo na ang naging palitan nila ng matamis na salita matapos ang mainit nilang bakbakan. Ang salitang matagal na niyang ninais marinig mula kay Shayne.
"Boss! Kumain ka na! Hindi ka pa nagtatanghalian!" suway ni Kyle.
"Oo nga, boss! Masyado kang masipag ngayon! Bawasan mo ng kaunti para may natitira ka pang lakas mamaya kapag nagkita kayo!" malokong sabi ni Rey.
Natawa naman si John. Naisip niya na tama si Rey. Kailangan hindi siya pagod na haharap kay Shayne. Dapat ganado siya palagi at energetic. Iyon bang kapag nagkita sila, masayang- masaya siyang lalapit sa dalaga at panggigigilan ito. Bigla tuloy siyang nasabik na muling mayakap at mahalikan si Shayne.
At muling mag - isa ang kanilang katawan.
SAMANTALA, NATAMPAL NI SHAYNE ANG KANIYANG NOO. Hindi niya alam kung paano lumabas sa bibig niya ang katagang iyon. Pakiramdam tuloy niya, nasayang ang pagpipigil niya sa sarili. Naging marupok na naman siya kay John.
"Hoy ano ba ang problema mo? Kanina mo pa hinahampas at sinasampal ang sarili mo," natatawang tanong ni Sally.
Marahas na ginulo ni Shayne ang kaniyang buhok. "Wala... magulo lang ang isip ko."
Ngumisi si Sally. "Magulo lang ba o may gumugulo na sa isip mo? At sino naman kaya ang lalaking gumugulo sa isipan mo? Huwag ka ng magsinungaling pa sa akin, Shayne. Kilala kita kapag tinamaan ka sa lalaki. Nagagawa nitong guluhin ang isip mo. Pero kapag landian lang naman, hindi ka ganiyan. So sino nga? Sasabihin mo ba o babatukan na kita?"
Humugot ng malalim na hininga si Shayne bago ikinuwento ang tungkol kay John. Gulat na gulat ito sabay tawa ng malakas.
"Grabe! Ang liit talaga ng mundo! Iyong karibal mo kay Axel noon, kapatid naman niya ang gusto mo! Paano iyan? Baka magalit ang ate niya kapag nalaman na ikaw ang gusto ng kapatid niya!" natatawang sabi ni Sally.
Umiling si Shayne. "Hindi naman ganoon si Dianna. Last year, nagkita kami. Ang saya ng pamilya niya. Masayang- masaya sila. No'ng nagkita kami, syempre humingi na rin ako ng tawad sa kanilang mag- asawa. Ayon, okay na kami ni Dianna. Mabuti silang tao, ako lang talaga hindi. Kaya nga nagdadalawang isip ako na makipagrelasyon kay John. Lalo na't mas matanda ako sa kanya tapos iba pa ugali ko. Ayokong masira ang buhay niya nang dahil sa akin."
Natawang binatukan ni Sally ang kaniyang kaibigan. "Grabe ka naman sa sarili mo. Bakit ganiyan ka sa sarili mo? Hindi na ganoon kasama ang ugali mo. Ibang - iba ka na ngayon. Sa totoo mga lang, nagulat nga ako sa laki ng pinagbago mo. Sa isip ko, iba talaga ang nagagawa ng pag - ibig. Kung si John ang nagpabago sa iyo, ipaglaban mo siya. Huwag kang magpapaapekto sa mga sasabihin ng ibang tao. Ang pagmamahalan niyo ang isipin mo."
Huminga ng malalim si Shayne sabay kamot sa ulo. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at saka nag- message kay Dianna. Umasa siya na sana hindi ito busy dahil gusto n'ya itong makausap. Mabuti na lamang, pumayag itong magkita sila. Kaya naman dali- daling nagbihis si Shayne sabay alis.
"Dianna!" nakangiting sabi niya nang makita ito.
"Hi, Shayne! Parang gumaganda ka yata ngayon?" sabi nito sabay tawa.
"Mas maganda ka! Kumusta naman kayo ni Axel?"
Naupo sila sa restaurant na iyon. Inilapag ng waiter ang menu sa kanilang harapan. "Ito masayang- masaya. Medyo busy ngayon si Axel pero may time pa rin sa amin. Bakit ka nga pala nakipagkita?"
Bumuntong hininga si Shayne. "Alam mo na ba iyong ginawa ko kay John noon? Iyong iniwan ko siya?"
"Ay oo! Nasaktan nga ang kapatid ko sa ginawa mo. Nahulog yata sa iyo dahil pinatikim mo ng langit! Eh alam mo namang taga bundok kami kaya si John, hindi pa nakakatikim ng malupit na laban sa kama. Ikaw yata ang may gawa kaya ayon, hinahanap- hanap ka."
Natawa naman si Shayne. "Iyon na nga, noong araw na iyon, hindi na rin siya nawala sa sistema ko. Sa totoo nga lang, nagkita na naman kami. Bilog talaga ang mundo. Nagkaaminan kami na mahal namin ang isa't isa pero kasi ayoko na may masabi ang ibang tao sa amin kung sakaling susubukan kong sumugal sa kaniya. Alam mo naman, mas matanda ako ng ilang taon sa kaniya."
Umarko ang kilay ni Dianna. "Hoy, ano ka ba? Bakit magpapaapekto ka sa sasabihin ng iba? Eh wala naman silang magagawa kung mahal ka ng kapatid ko. At saka, ano naman kung mas matanda ka sa kaniya? Kailangan ba pag lalaki ang mas matanda okay lang? Pag babae ang mas matanda, issue? Hayaan mo ang ibang tao. Ayusin mo na kung ano ang mayroon kayo ng kapatid ko. Huwag mo na siyang sasaktan. Please lang, Shayne."
Nakagat ni Shayne ang kaniyang pang- ibabang labi. "Pero kasi..."
"Wala ng pero pero! Magmahalan kayong dalawa! Ano ka ba? Malaki ang oten ng kapatid ko kaya mababaliw ka diyan. Ikaw din, hindi ka na makakatikim ng malaking oten kagaya ng sa kapatid ko!" nanlalaki matang sabi ni Dianna.
Humagalpak ng tawa si Shayne. "Grabe! Iyon talaga?"
"Oo naman! Malaking oten is life!" wika ni Dianna sabay tawa ng malakas.