Ilang araw din ang inilagi nila sa hacienda bago sila nagdesisyon na bumalik na ng Maynila. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang bumalik doon but she has priority. May trabaho siyang naghihintay doon at ayaw naman niyang makasuhan ng breach of contract kapag nagkataon. Ngayon niya pinagsisisihan ang desisyon niyang magbalik ulit sa pagkanta. Hindi niya napaghandaan ang pagdating sa eksena ni Lance. And if weren't for her son also, hindi na siya babalik sa poder ng asawa. Kinailangan muna nilang manuluyan sa isang hotel kabilang bayan dahil doon naghihintay ang private chopper na sasakyan nila. But unfortunately, something came up. Hindi sila pinayagan na umalis because of thunderstorms and lightning alert. Kaya nagpasya silang manatili muna pansumandali para sa kanilang kaligtas