Kanina pa siya naiirita sa pangungulit ni Kent sa kanya. Alam naman nitong wala siyang kahilig-hilig na manood ng mga concert katulad nito ngunit mapilit ito. To the point na bina-blackmail siya nito. "Ang pagsama nga lang sa concert na ito ang hinihingi ko sa'yo eh, hindi mo pa ako mapagbigyan?Sige na, samahan mo na ako. It won't take that long." Maktol ni Kent sa kanya. Napailing na lang siya. Mukhang kailangan niyang ihanda ang sarili. It would be the longest and the most boring night he'll ever experience. His very sure of that. The hell! Mas gugustuhin pa niyang magmukmok sa kwarto ng asawa, kahit man lang sa paraang iyon ay makapiling niya ito. "Ano bang meron sa concert na 'yan at pilit mo akong pinasasama, ha? Pasalamat ka, malaki pakinabang ko sa'yo dahil kung wala naman akong