CHAPTER 12

2093 Words

Nililibot nang tingin ni Angelo ang kabuuan ng bahay ni Dominic. Nakikita niyang maliit lamang ang bahay nito at hindi pa kumpleto sa gamit. Gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero ang dingding at bubong. Tiningnan naman ni Dominic si Angelo. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. “May gusto ka bang kainin o inumin? May tubig, juice at kape ako dito. Sa pagkain naman, may tasty pa akong naitabi mula sa almusal ko kanina,” alok ni Dominic kay Angelo. Tumingin naman si Angelo kay Dominic. Ningitian niya ang kaibigan. “Tubig na lang. Hindi pa naman ako nagugutom kaya huwag ka ng mag-abala pa sa pagkain,” sagot niya Tinango-tango na lang ni Dominic ang ulo niya. “Sige at ikukuha lang kita. Maupo ka na muna doon,” ani nito saka itinuro ang papag niyang kama na gawa sa kawayan. Tumango

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD