Chapter 27 Pagkaalis ni Ricardo, ay siya rin pagkagising ng babae. Dahan-dahan gumalaw ang kanyang mga daliri kasunod ng unti-unting pagmulat ng kanyang mga mata, ngunit muli siyang pumikit dahil sa labis siyang nasisilaw sa liwanag na tumama sa kanyang mata. Bigla rumaragasa ang kaba sa kanyang nang tumambad sa kanyang ang sobrang liwanag at wala siyang ibang nakikita kundi ang puro puti lamang ang buong sulok. Lumilinga-linga sa siya sa paligid wala siyang ibang nakikita maliban sa kanya. Kaya nanlaki ang kanyang mata sa naiisip. "Dios ko! hindi kaya patay na ako? Hindi pa ako handang mamatay. Kailangan pa ako ng lola," saad nito sa kanyang sarili. Napalikwas siya ng bangon ng maalala ang kanyang lola Milagros. Napangiwi siya dahil sa hapdi ng kanyang kamay sa kanyang ginawang bigla