Chapter 21 "Magpapaliwanag? Sana noon pa lang sinabi mo na sa akin ang totoo, Miguel. Siguro matatanggap ko pa ang lahat. Pero hindi, hindi mo ginawa, mas pinili mong magmukha akong tanga!" nanggagalaiting turan ni Marga, kay Miguel. "No, that's not true. Hindi ko lang masabi-sabi sa'yo. Kasi natatakot ako, natatakot akong magalit ka sa akin at iwanan mo ako," nangalumbabang tugon niya. Habang pilit pa rin niyang niyakap ang asawang nagpupumiglas hindi niya hahayaan mawala ito sa kanya. "Hindi Miguel, natatakot ka dahil baka pag nalaman ko ang lahat. Mawawalan ka ng panakip butas. Siguro totoo ang sinabi ni Stella, na hindi mo ako minahal at ginamit mo lang ako. At pagkatapos ano? Iwan mo na ako, itatapon muna akong parang basahan." Labis na nanghihina ang kanyang mga tuhod ni Marga,