HALOS paliparin na ni Miguel, ang kanyang sasakyan papuntang hospital. Nag-aala siya sa kalagayan ng kanyang mommy. Kahit magbabangayan man sila, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para rito. Sunod-sunod na busina ang kanyang ginawa dahil sa alas-siyete na ng gabi, rush hour. Sobrang ma- traffic sa daan. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang daddy ngunit hindi ito ma-contact laging out of coverage area ang sagot ng operator o 'di kaya ay not yet intended. Halos kalahating - oras rin siyang nanatili sa daan.? Muntik na siyang mapaaway sa kapwa niya driver dahil naiirita ito sa sunod-sunod niyang pagbubusina. Mabuti na "" lang at nakapagtimpi pa ito Pagkarating niya sa hospital ay kaagad siyang humanap ng bakanting paparadahan ng kanyang sasakyan. Nagmamadali siyang pumasok sa loob