Napangiti na lang ako kay Cecil sabay kinurot dalawa niyang pisngi. "Kung sasagutin mo ba ako ay iyong-iyo na ako. Di na ako titingin sa iba at di ka na mag-aalala mahal," biro kong sabi sa kanya. "Para namang papatulan ka niyang si Ganda. Kung patulan ka man niyan ay tiyak na magkakalatay ka talaga sa katawan mo, kasi ordinaryong tao ka lang dahil tatay niyan ay Yakuza," pananakot ni Cecil. "Ikaw talaga! Tara na nga," ani ko sabay hinila ang kamay niya. Diretso na kami sa Big Meeting Room. Kahit madilim sa kuwarto at LCD lamang ang tanging nagpapa-ilaw sa paligid ay parang nakakasilaw pa rin ang legs ni Boss Aiko kahit may stocking pa ito habang naka-cross legs kaya di mawala-wala ang titig ko hanggang naramdaman ko na lang na binatukan ako ni Cecil. "Uy! I-take note mo lahat ng usapa