"Well sorry Mr. Eric, separate ang banyo ng babae at lalaki. Sa labas ng hallway ang banyo ng pambabae at sa 11th floor ang banyo ng panglalake. Magtanong ka na lang sa mga teaboy kung gusto mo gumamit at ituturo nila sa 'yo kung nasaan ang daan," wika ni Cecil na kinakunot ng noo ko.
Nasa 9th floor kasi kami. Bale dalawang palapag pa ang dapat ko tahakin para lang ako makaihi. Weird ng opisinang 'to!
Tinuloy ni Cecil ang paglalakad dire-diretso sa hallway habang nakasunod ako hanggang may malaking space sa kaliwa at nang makarating na kami doon. May nakalagay na apat na lamesa na may kanya-kanyang flatscreen monitors na puro mga bago. Napag-alaman ko na ito na pala ang puwesto ng Purchasing Department Section sa opisina.
"Iyong malaking table ay akin dahil ako kasi ang First Lead Assistant ni Madame Aiko. Habang 'yong tatlong table naman ay kina Lily, Mia at Penelope. Di pa sila dumating dahil masyado kang maaga ngayon o kaya ay tayo," nakangiting sabi ni Cecil.
Biglang umupo siya sa table at nag-cross legs sabay kinagat ang labi at tumitig sa akin na tila balak akong akitin.
Agad ako napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa ng dahan-dahan. Kitang-kita ko ang hita niya sa loob ng stockings na naghihimutok nang mapansin niya ring nakatitig ako rito.
"Puwede mo siyang hawakan if gusto mo. I allow you to do it handsome," malanding sabi ni Cecil sa 'kin. Tila trip talaga ako ng babaeng 'to. Biglaan ko ring naisip 'yong nangyari sa amin sa elevator.
Naalala ko rin si Rosa na ngayon ko sosorpresahin para sa proposal date namin. Kaya ipinakita ko na lang kay Cecil paano tumungo ang aking ulo upang umiwas sa seducing style niya hanggang sa mapadpad ang mata ko sa isang malaking bintana na may blinder karugtong ng pinto na katabi ng table niya at kay Mia.
Medyo pinahinahon ko ang sarili ko dahil sa nag-iinit na rin ako ng kaunti dahil sa pang-aakit niya pagkatapos ay huminga nang malalim para makaiwas sa tukso.
Dahil napansin ni Cecil na di ko siya binigyan masyado ng atensiyon ay agad siyang tumayo at pumunta roon sa may pinto kung saan ako nakatingin. Binuksan niya ang blinder pagkatapos ay sabay binuksan ang mga ilaw sa loob.
Sumunod ako habang nakapamulsa pa rin ang mga kamay. Nagpapanggap na nagmamasid pa rin sa paligid ng opisina para ipahalata ko rin na iniiwasan ko ang kanyang pang-aakit.
(Below is the floor plan of Purchasing Department)
Nang pagpasok ko sa pinto habang sinusundan siya ay napasilip ako sa buong kuwarto. Sa kaliwa ay may maliit na space kung saan nakalagay ang isang table. May divider na isang pader sa gitna sa may bandang kanan kung saan may malaking space. May mga magagarbong lamesa, isang sofa at glasses ang mga pader kung saan nakikita mo ang labas pero may kurtina na puwedeng ipansara at isang halaman na Malaki bilang palamuti. May mga nakadikit din sa pader na award certificate na nakuha ng kompanya.
"Mag-behave ka Mister Eric dahil nasa iisang kuwarto kayo ni Madame Aiko. Pader lang ang humaharang sa inyo at hindi pinto. Kami naman, kahit pader ay nahahagilap pa rin niya kami dahil kahit anong oras ay puwede niyang buksan ang curtain blinder na 'yan at may glass window rin diyan na puwede niyang makita ano mang pinagagawa namin," paliwanag ulit ni Cecil at naging seryoso din sa pagsasalita.
Ngunit... bigla na lang siya sa aking lumapit at pinaharap ako sa kanya. Na ikinabahala ko.
Pagkatapos ay hinawakan at hinila niya ang kuwelyo ko. Papalapit na halos ang mukha namin at ramdam ko na rin ang pagdikit ng dibdib niya sa katawan ko.
Ang sarap talaga sa pakiramdam dahil matigas at mabilog ang hinaharap nito. Nilapit pa niya lalo ang labi niya sa akin kaya napatungo na ako sa katangkaran ko at bumilis na ang t***k ng puso ko dahil dahan-dahang nabubuhayan ang alaga ko sa ibaba.
"Why dont you try me again. Gaya noong nasa elevator pa tayo. Di ba hinipuan mo ako sa likod ko. Alam mo bang nag-wet ako sa oras na 'yon?" sabi niya na tila nanggigil din siya na pagtagpuin ang bibig niya sa bibig ko.
Hawak-hawak pa rin niya nang mahigpit ang collar ng polo kong suot habang titig na titig siya sa mata ko na tila ayaw niyang pakawalan hanggang sa huminga siya nang malalim. Ang bango pa ng hininga niya at mainit ito.
Isama mo na ang pabango niya na halos mabaliw na ako't umiiwas makidigma sa mga demonyong namumuo sa ulo ko. Magkalapat na talaga ang katawan namin at kulang na lang ay maghalikan na kami lalo na't umungol pa siya habang bumubulong sa akin na mas nagpainit pa sa akin lalo.
Kaya bago may mangyari ay pinilit kong umiwas sa tukso at naisip muli si Rosa. Ngunit paano ko siya tatanggihan e hawak na niya ang collar ng polo ko na tila wala na ako kawala sa pang-aakit niya.
Kaya no choice na kailangan ko ng maging tapat sa kanya. Ayoko kasing magkasala talaga sa mahal ko.
"Cecil, pasensya na ha? May kasintahan na kasi ako. Di ko siya kayang pakawalan at isa pa, pinay din siya gaya mo at birhen. Kaya ako naghanap ng trabaho para lang sa kanya. Ayoko siyang lokohin. Magpo-propose ako sa kanya ngayon pagkatapos ng trabaho ko," sabi ko na may pag-aalanganin ang mukha.
Nang biglang dahan-dahan kong nakita sa kanyang mga mata kung paano siya nadismaya. Nawalan ng lakas ang kamay niya sa pagkapit sa collar ko hanggang sa napabitaw na ito. Medyo inilayo ang katawan niya sa katawan ko ng may narinig kaming mga boses.
"Uy! Kayo ah! Anong ginagawa niyong dalawa? Halos magkalapit na mga bibig niyo," asar nina Mia sa amin.
Tumungo na lang si Cecil at lumayo sa akin na tila napahiya.
"Nothing, Im just out of mind! My God! Anyway, Eric sa kompanya ring ito ay may uniform tayo. Men should always wear slacks, blazers and the necktie with our company logo on it. Habang kami namang mga babae ay polo, and instead of slacks we wear short skirts added the necktie with our company logo. Civilian tayo every Saturday and Friday. Ibig sabihin kahit anong damit ay puwede nating suotin," ani ni Cecil na di man lang makatitig sa mga mata ko.
Alam ko na nasaktan ko siya at napahiya sa oras na 'yon kaya medyo nakokonsensya rin ako sa nangyari kanina. Sayang lang at may kasintahan na ako.
Tumingin na lang siya sa akin na tila nagpipigil at nagtutubig na ang mata.
"By the way, sorry! Akala ko kasi single ka pa. Marami nga talaga namamatay sa maling akala nuh? Good luck for the proposal later," wika nito sabay nilayasan na niya kami't lumabas.
Habang lumilipas na ang oras ay tuloy-tuloy na rin akong tinuruan ni Cecil sa mga dapat kong alamin at matutunan gawin bilang Assistant Purchasing Manager. Ngunit napansin namin na wala pa rin si Madame Aiko.
"Wait lang ha! CR muna ako Eric," excuse ni Cecil at umalis muna siya.
"s**t! Late na naman ang bruha," sigaw ni Lily.
"Sana absent siya para uwian na," hirit ni Mia.
"It's already afternoon. Di na 'yon papasok. One hundred percent absent na 'yong tamad na 'yon. Look at the time! It's already 3 pm," sabi ni Penelope na tahimik lagi at ngayon lang nagsalita.
Bigla akong napatayo at agad isinuot ang blazers ko. "Guys, I think hindi na siya dadating. That's why I have to go! I really need to buy a couple ring for my girlfriend. Im sorry! Sabihin niyo na lang kay Cecil. Proposal Date namin ng kasintahan ko ngayon kaya kailangan ko na umalis."
Nagmadali na akong tumayo at di ko na pinansin kung ano sasabihin nila. Agad akong bumaba sa elevator. Lumabas na ako sa building na pinagtatrabahuan ko. Nang makita ko na isang Commercial Store pala ang kadugtong ng building namin at may binibilhan ng singsing ay masaya akong pumasok roon.
Pumili ng pinakamagandang couple ring at pagkatapos ay bumili. Galing pa sa ipon ko sa pagpipinta ang pinambili ko ng singsing. Pinuntahan ko si Rosa sa bahay niya para ayain siya na lumabas.
Pagkarating ko ay agad akong nagmano sa magulang niya. "Tulog pa kasi siya iho," sabi ng tatay niya.
"Maghihintay na lang ho ako rito. Puwede bang malaman kung nasaan ang banyo niyo?" tanong ko.
Agad naman akong sinamahan ng tatay niya. Pagkapasok ko ay agad kong tinawagan si Miguel.
"Hello! Miguel, magde-date sana kami ng pinsan mo riyan sa restaurant na pinapasukan mo. Gusto ko sana na mag-hire ka ng mga musician na sosorpresa sa amin dahil magpo-propose na ako sa pinsan mo. Hihingin ko na ang kamay niya mamaya," sabi ko ng nagagalak.
Mas lalong natuwa si Miguel sa desisyon ko. "Grabe! Good luck sa 'yo Eric. Sige at gagawin ko na 'yan. Sana magtagumpay ka dahil proud in-law ako kapag kayo ang nagkatuluyan."
"Salamat sa 'yo Miguel! Asahan ko 'yan," sagot ko na tila di na ako mapakali sa mga susunod na mangyayari.
Pagkalabas ko sa banyo at bumalik sa upuan ay biglang lumabas na si Rosa na nakapag-ayos na't nakadamit.
"Tara?" At agad siyang kumapit at humawak sa kamay ko.
Hanggang sa naglakad kami papunta sa bisikleta ko.
"What? Magba-bike tayo Eric?" pagtataka ni Rosa.
"Oo sana. Pasensya na ha? Traffic kasi kapag nag-taxi tayo eh," sabi ko.
Ramdam ko na napilitan siyang sumakay sa likod ko. Kumapit na siya sa akin at tuloy na kami lumarga papunta sa restaurant na pinapasukan ni Miguel.
Pagkapasok namin sa resturant. Simple lang 'to dahil dito nagtatrabaho si Miguel at maliit lang din ang suweldo.
"Grabe! Bakit dito pa tayo? Hay naku!" sabi ni Rosa na parang naiinis na.
"Ayaw mo bang makita ang pinsan mo na naging tulay ng pag-iibigan natin?" hirit ko at pilit siyang pinapangiti.
Hanggang sa nagpaalam muna ako. "Aalis muna ako mahal ha! Diyan ka lang. May in-order na ako sa 'yo na pagkain," sabi ko at agad ko muna siyang iniwan.
Nang mailapag ang in-order ko para sa kanya ng mga waiter habang sinisilip ko siya at nagtatago ay nakita kong sumimangot na naman siya dahil mumurahin din ang ni-order ko. Nang biglang may lumapit sa kanya na isang naggigitara ay nabawasan naman ang pagsimangot niya.
Ito'y si Dustin habang si Leo naman ay may pinupokpok na maliit na gawang kahoy na kahon bilang tambol sabay kanta naman ni Miguel sa kanya ng kanta ni Ed Sheeran. Tila accoustic na panghaharana ang naging kalalabasan ng eksena para kay Rosa.
Nagulat na lang siya nang nandoon na ako sa malayo na may hawak na isang boquette ng bulaklak at dahan-dahang lumalakad papalapit sa kanya na kabado.
Hawak ko rin ang panyo ko para punasan ang pawis ko sa noo dahil sa sobrang kaba ko. Pati puso ko ay parang dinadaga sa sobrang emosyon.. Namana ko ata sa Russian kong ama.
Nagtinginan sa amin ang madaming tao dahil sa kakaibang eksenang ginawa ko. Napansin kong madaming naglabas ng cellphone nila para kuhanan ang eksena mula sa amin ni Rosa.
Nang makalapit na ako sa kanya ay agad na akong lumuhod na kinagulat niya sabay ipinakita ko ang isang box at binuksan pagkatapos ay nilabas ko ang singsing.
"Babe, this is it. Hinihingi ko na ang kamay mo. Mahal na mahal kita. Sa pagsasama natin sa loob ng tatlong taon. Gusto kong malaman kung handa ka na ba? Rosa, Will you marry me?"
Biglang nagpalakpakan ang lahat ng nakasaksi pero naiyak na lang siya sabay tumayo. Nakita kong may mga nagbagsakang mga luha sa mata na tila pinipigil pa niya.
Akala ko ay yayakapin na niya ako at magye-yes na siya sa akin. Ngunit mali ang aking inakala. Tumakbo na lang siya palabas na kinagulat din nina Dustin, Leo at Miguel.
Nagulat na lang ang lahat at natahimik ang buong paligid. Parang natigil bigla ang mundo ko.
Sabay nagsitawanan ang mga tao sa paligid na tila parang wala na ako naririnig at nanigas. Namanhid na ang katawan ko at nanunubig na lang bigla ang mata ko dahil sa ginawa ng babaeng minahal ko ng tatlong taon.
Binalot ako ng hiya at sakit sa dibdib. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko kung bakit siya tumanggi sa proposal ko. Ano ba ang dahilan? Naging mabuti naman akong nobyo sa kanya. Buti na lang nandiyan si Miguel at agad ako niyakap.
"Sorry tol! I think it's not the right time. Makakahanap ka rin ng iba. Hindi siguro kayo meant to be ni insan Rosa."
Diniretso na lang nila ulit ako sa bar pagkatapos ng malungkot na eksena at nagpakalasing na lang ako nang nagpakalasing para lang kalimutan ang lahat. Mahaba-haba rin naman ang tatlong taon na nilaan ko kay Rosa pero wala man lang siyang paliwanag.
Hanggang sa may lumapit sa akin na babaeng hapon. "Kakkoiyo. Hoteru ikou? (Ang pogi mo naman na Hafu. You can take me home if you want?)" sabay kumindat siya pagkatapos ay umalis kaming dalawa sa bar at dumiretso na sa apartment ko.